NAKIISA si Senadora Cynthia Villar sa Feel It Pilipinas: Blue Jacket Ceremony 2025, isang send-off event para sa 56 na mahuhusay na indibidwal na kakatawan sa Pilipinas sa World Championships of Performing Arts (WCOPA)—na kilala bilang Olympics ng performing arts—na gaganapin sa Long Beach, California, USA mula Hulyo 17 hanggang 25.
Suportado ni Villar ang talento ng mga Pilipino kaya itinatag niya ang Villar School of Performing Arts sa Las Piñas City bilang tahanan ng WCOPA Philippines. Hindi lamang ito training ground para sa mga world-class na performers, kundi isang kanlungan din para sa mga batang artistang nangangarap, kung saan ang mga likas na talento ay pinapanday at nagiging tagumpay sa buong mundo.
(Danny Bacolod)
