LOVELESS ang Kapuso actress na si Andrea Torres, pero aminadong nakikipag-date ito.
Sa tanong kung sino ang huli niyang nakarelasyon, sagot niya, “Hindi ko maalala… Matagal na po, e. Hindi ako mabilis… Mahirap ako magkagusto sa isang tao because gusto ko always, long-term,” saad pa ng “The Better Woman” lead actress na may dual role bilang twin sisters na magkaiba ang ugali. “Gusto ko serious, long term, ayokong pumapasok sa bagay na hindi ako fully committed.” So, kung dating (deyting) siya nowadays, taga-showbiz ba ‘yung guy(s)?
“Iba-iba,” sabay tawa ng seductive Kapuso actress sa panayam sa kanya sa mediacon ng “TBW” days before its pilot episode aired on GMA-7 earlier this month. Hindi in-specify ni Andrea kung taga-showbiz ba o hindi ang mga ginoong nakaka-date niya.
So, select the best (answer inside the parentheses — parang exam lang, ah! Hahahaha!) na ba ang peg? “Collect and select? Hindi naman ako ganun. Ano naman ako, kumbaga kung talagang nakikita kong may parang spark, ganyan, then tsaka ko lang tina-try.”
Kung grabe ‘yung taping schedule niya before, mas daw ngayon. Therefore, hindi makakarami ng ka-date si Andrea dahil pukpukan ang taping for TBW. Teka, what about her leading man Derek Ramsay? May nababanaag ba siyang spark?
“Natutuwa po ako dahil sabi nila may instant chemistry.”
May intimate scenes sila ni Derek sa naturang primetime drama series na mapapanood sa Kapuso Network Mondays to Fridays. So, meron ba (spark o chemistry)?
“Sabi nila ‘pag puyat daw nakukuryente,” ang hagalpak-tawang dagdag ng 29-year-old Kapuso star.
239