BEA IN-UNFOLLOW SINA GERALD AT JULIA SA IG

bea99

In-unfollow na nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ang isa’t isa sa Instagram. Kapag hinanap ang account name ni Gerald sa mga pina-follow ni Bea, “No user found” na ang lumalabas, ang vice versa.

Ganun din sa accounts nina Bea Alonzo at Julia Barretto. Hindi na nila pina-follow ang isa’t isa ngayon. Ito na ang pinakahuling update sa isyung ito. Bago nito, kumalat din ang balita na hinahanap daw ni Dennis Padilla, tatay ni Julia, si Gerald dahil sa diumano’y pagsisinungaling nito nang sabihing wala na sila ni Bea at balak nitong ligawan si Julia.

Sinabi kasi ni Bea na as far as she is concerned, walang hiwalayang nangyari sa kanila ni Gerald. Bigla na lang daw itong hindi nagpakita o nakipag-usap.

93

Related posts

Leave a Comment