CONGRATS, BEST WISHES KINA JOLO AT ANGELICA

lolit(NI LOLIT SOLIS)

NA -excite ako sa kasal nina Vice Gov. Jolo Revilla at Angelica Alita.

Kung pinayagan lang sana ako ng doktor sa long flight, join talaga ako day! Pero hindi na talaga ako puwede magbiyahe ng napakatagal.

Kaya tsinitsika ko na lang ang mga bakla na nandun!

Di ba si Gorgy, sa gitna nang pamumudmod niya ng mga regalo na pinapaki sa kanya, lumipad na siya nung nakaraang Sabado at nahabol pa niya ang welcome dinner nila roon na ginanap sa The Cannery sa Newport Beach, California.

Mga pamilya at malalapit na kaibigan lang ang dumalo at doon ipinakilala ni Angel ang mga kapatid niya sa ilang miyembro ng pamilya ni Jolo.

Hindi pala nakasama ang Mommy ni Angel dahil nasa Mindoro lang ito. Ayaw daw umalis ng Mommy niya sa Mindoro, kaya naiwan siya roon.

Bago pala yung dinner, nagkaroon muna sila ng civil wedding doon, at ito na ngang Christian wedding na ginanap sa Pelican Hill.

Ngayon ko lang nga naisip na sobrang idol talaga ni Jolo ang magulang niya lalo na ang Papa niya.

Sa Amerika rin nagpakasal sina Bong at Lani noon. Bago ang church wedding nila, nagkaroon din muna ng civil wedding tapos nag-church, at pagkalipas ng ilang taon, sa Pilipinas naman sila nagpakasal sa simbahan.

Sa totoo lang, ilang beses na sila nagpakasal huh?!

Ang huli nila nung 25th wedding anniversary nila na nagpakasal sila uli sa simbahan.

Kaya kahit ano pa ang ginagawa ng ibang babae diyan para masilo nila si Bong, hindi nila madi-deny na ilang beses pinakasalan ni Bong si Lani no!

Sana ganundin ang kina Jolo at Angelica, na kagaya ng kina Bong at Lani, kahit nasa gitna ng mga intriga at kung anong isyu, sila pa rin at hindi talaga mapaghiwalay.

Sobrang love ko si Jolo, kaya lagi ko talagang ipinagdadasal na maganda ang samahan nila ni Angel at tama nga yung sinasabi nila sa kanilang prenup video na ‘journey to forever’.

Best wishes kina Jolo at Angelica!

       CONG. ALFRED VARGAS ‘DI PUWEDENG KALABANIN SI MAYOR JOY

Ang isa pang sobrang proud ako kay Cong. Alfred Vargas.

Nakakatuwa na pagkatapos niyang magawaran sa Ten Outstanding Young

MEN o TOYM honoree for Public Service, nagpa-lunch siya sa mga kaibigang movie press kinabukasan para ibahagi itong malaking karangalang ibinigay sa kanya.

In fairness naman sa kanya, public service na talaga ang caling niya, at sinasabi nga niya, kahit matatapos ang term niya bilang Congressman ng 5th district ng Quezon City, patuloy pa rin daw siya sa pag serbisyo sa mga tao, kahit nasa posisyon siya o wala.

Kaya nga tinatanong na siya kung ano ang susunod niyang tatakbuhan. Sa national na ba o posible kayang maging Mayor siya ng Quezon City?

Siyempre, hindi naman niya puwedeng kalabanin si Mayor Joy Belmonte dahil sobra ang suporta sa kanya.

Wala pa naman daw siyang nasa isip pa sa ngayon.

Marami pa raw siyang gustong gawin sa distrito niya kaya trabaho na muna siya  ngayon.

Sabi nga niya; “Ito yung vocation ko. This is my calling, and if I can do this even if I’m 100 years old I will do this in whatever capacity. Pero yung specific capacity kung ano yung next time, wala pa sa isip ko now, because I just want to perform and finish some legacy projects.”

Sa gitna pa nito, nakagawa pa siya ng dalawang pelikula, ang Tagpuan at ang Kaputol na parehong dinirek ni Mac Alejandre.

Balak nga nilang isali sa Summer Metro Manila Film Festival ang Tagpuan sa darating na Summer.

Maganda naman daw ang feedback sa pelikula eh.

Kaya mabuti na lang na meron silang recess na minsan umaabot ng isang buwan ang recess nila kaya nakakagawa siya ng pelikula.

“Pagka recess diyan ko sinisingit ko yung oras for consultations, oras for family and travel, and siyempre oras para tutukan ang isa nating livelihood yung showbiz. Kasi kailangan natin ng dagdag na kita.

“I would like to give credit to sa mga staff around me. Ang dami nilang nagagawa na di ko na kailangang gawin,” pahayag ni Alfred.

Kaya puspusan din ang pagpapayat niya dahil gusto rin niyang makapag-artista talaga.

Siguro next year kaya na niyang mag-soap dahil may offer din ang Dos, meron din ang Siyete sa kanya.

Pero hanggang guestings lang muna ang puwede niya kasing gawin. Sana magkaroon na ng regular para tuluy-tuloy ang kumi ko no!

 

113

Related posts

Leave a Comment