DAHIL SA TWEET NI JANINE, SEN. BONG BASHED-TO-THE-MAX ULI

lolit(NI LOLIT SOLIS)

HAY naku day!

Matatapos na ang taon, lalong gumulo ang buhay ko!

Lumalaki na ang isyu ng 150 thousand na pinabibigay daw ni Gretchen Barretto sa amin ni Cristy Fermin.

Wala akong natikman sa 150K na’ yan, kaya magkakaalaman pa ‘yan.

Nadamay pa ang PEP.Ph sa isyung ‘yan na mabuti nagkausap kami ni Jo Ann Maglipon, nagkaliwanagan at inaalam niya ang totoo sa isyung ito.

Sabi ko nga kay Gorgy na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon, mabuti na lang wala siya rito at hindi niya nasaksihan ang mga kagagahan ko.

Ngayon naman itong kay Janine Gutierrez na uminit ang ulo ko sa mapanghusga niyang komento sa Twitter, dito sa pagbabalik sa telebisyon ni Sen. Bong Revilla.

Nasaktan lang kasi ako dahil close si Bong at ang lolo niyang si Christopher de Leon, tapos gustung-gusto ko pa naman siya.

Siyempre, nasaktan siya sa ipinost ko sa Instagram ko, at pati nga si Sandy Andolong nag-react na rin.

Sa tingin daw niya, walang intensyon si Janine na masama sa komento niyang iyon.

Sige. Ipagpalagay man natin na wala siyang intensyon na masama. Pero dahil nakita naman siguro nila na sa tweet niyang iyon, kinanti na naman niya ang mga bashers ni Bong na ayaw tumigil sa katitira sa kanya.

Ang hirap lang kasi sa mapanghusga talaga na parang ang dami pa nilang alam kesa sa mga taong involved.

Nabuhay na naman ang paulit-ulit na bashing kay Bong dahil sa sinimulan niyang tweet.

Masakit lang na sa kanya nanggaling na malapit pa naman sa amin at wala naman sinasabi si Bong o ang mga anak laban sa kanya.

Mangagaling pa sa kapareho niyang Kapuso na nasa iisang istasyon pa naman sila.

Iyon lang ang hindi ko talaga ma-take.

Ano pa kaya ang iaasta niyan kung may nag-hit siyang pelikula?

Alam ni Lotlot ‘yan. Alam ni Boyet na ako talaga ang haharap sa mga taong nagmamaliit sa mga taong mahal ko. Kasama na diyan ang lolo niya, si Sandy o kahit si Lotlot no!

UNAHIN KO MUNA ANG MOVIE NI ROCCO

Todo ang suporta ng GMA Artist Center sa MMFF movie ni Rocco Nacino

na Write About Love ng TBA Studios.

Ito lang ang love story na kalahok sa MMFF na magsisimula na bukas.

Kaya malaki ang tsansang kakagatin ito ng mga manonood.

Maganda naman ang feedback at may systaining power ito sa mga sinehan

dahil puwedeng word of mouth at mapag-usapan.

Kasama ni Rocco rito si Miles Ocampo na sabi ng mga nakapanood, may chemistry raw sila at may kilig.

Kaya ito na siguro muna ang unahin nyo kung ayaw niyo pa munang makisabay sa panonood sa mga bata at pami-pamilyang manonood ng Mission Unstapabol nina Vic Sotto at Maine Mendoza, ang Tripol Trobol nina Coco Martin at Jennylyn Mercado, at ang The Mall the Merrier nina Vice Ganda at Anne Curtis.

 

164

Related posts

Leave a Comment