DANIEL IRITADO SA TSISMIS NA BREAK NA SILA NI KATHRYN

kat200

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

DANIEL PADILLA is currently on a one-month break from showbiz so he didn’t want to entertain questions regarding show business. “Bakasyon pa ‘ko, kaya wala munang showbiz, please,” pakiusap niya. Dumalo siya sa red carpet premiere of Familia Blondina, the comedy film of his mother, Karla Estrada.

Umapela si Daniel sa nagkakalat ng balitang hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo  to “stop the foolishness.”

“Pwede bang tigilan nyo na ‘tong kagag*han kung hiwalay na kami?”

Asked if he and Kathryn have indeed “unfollowed” each other on Instagram, the actor responded with a question: “Mukha bang hiwalay na kami? Mukha ba?”
“Oo, ayos lang, ayos lang kami,” pagdidiin niya.

Tulad nga ng sinabi ng best friend ni Daniel na si Marco Gumabao sa kanyang latest interview ay okey na okey ang dalawa at magkakasama pa sila noong Valentines day sa Boracay.

Kasama ko lang sila sa Boracay recently kaya wala akong alam na cool off-cool off.”

Hayan, mismong si Daniel na at ang kaibigan niyang si Marco ang nagpapatunay na walang cool-off na naganap kaya siguro naman ay mapapanatag na ang KathNiel fans.

KRIS AQUINO NASAKTAN, NAGALIT KAY PHILLIP SALVADOR

SANG-AYON kami sa ginawang pambabatikos ni Kris Aquino sa ama ng kanyang panganay na anak na si Philip Salvador sa ginawa nilang biro ng senatorial candidate na si Bong Go tungkol sa kanilang nakaraan. Sa isang campaign sortie ay nagbiro si Bong at sinabi kay Philip na “naloko mo nga si Kris Aquino.”

Naging trending topic sa social media ang nasabing issue kaya humingi na ng paumanhin si Bong kay Kris sa mga nasabi niya pero ayon kay Kris, hindi man lang nagparamdan para mag-sorry ang ama ng anak niyang si Joshua.

Sa isang video message, sinabi ng Queen of all Media na nagkamali siya ng lalaking minahal: “If I am just part of a skit or part of a joke or part of a way to entertain people, what kind of country is this? Sana naisip lang ninyo na in the midst of your campaign, there is a 23-year-old boy who is special, who is autistic, who watches you — and I’m directing this message to Phillip Salvador.

“Nanahimik ako for so long, because I thought you were a good man. I equated goodness because hindi mo nga kami ginulo. Pero mali, eh. Mali na kinalimutan mo si Josh.

“Mali na ginagawa mong biro ang anak ko,” Kris added.

Sa isyung ito ay nasa panig kami ni Kris. May punto siya kahit saang anggulo pa tingnan kaya dapat talagang humingi na ng tawad si Ipe. Sign ng pagiging gentleman ang pagtanggap sa isang kasalanan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

85

Related posts

Leave a Comment