DEREK AND KRIS: PAREHONG NAG-BACK OUT SA (K)AMPON?

(NI LOURDES C. FABIAN)

MAUGONG na pinag-uusapan ngayon na mukhang namumroblema ang producer ng “(K)Ampon” na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films dahil mukhang hindi talaga kakayanin ng schedule ni Derek Ramsay na busy sa taping ng Kapuso primetime series nito na “The Better Woman” with Andrea Torres na sa Laiya, Batangas pa ang location ng taping kaya mukhang hindi na niya tatanggapin ang nasabing horror movie.

Gusto rin syempreng ipakita ni Derek sa GMA-7 na priority niya ito.

At mas lalong mamu­mroblema si Atty. Joji kung totoo ngang pati si Kris Aquino ay nag-beg off na rin daw sa project dahil nakarating sa kanya na may iba nang kinukuhang artista na kapalit niya dahil mukhang hindi siya maiisyuhan ng medical clearance ng kanyang doktor to shoot a horror movie.

Kay Kris na rin mismo nanggaling na: “Ang pera magsipag ako, kikitain ulit. PERO HINDI PO MABIBILI ANG EXTENSION SA BUHAY.”

Ayon kay Kris ay may Chronic Spontaneous Urticaria (CSU) siya kaya naman dependent siya sa mga high-powered medicines for the rest of her life. Bukod pa rito, she has also begun maintenance medication to control her hypertension diagnosed in 2015, and has been undergoing treatment for severe migraine attacks.  Kung 100% ka nang magaling and at your healthiest again, sige, Kris at gawin mo ang pelikula. Mas importante ang health mo more than any movie. Huwag ka ng mag-second thought pa Kris. Back out now habang maaga at hindi pa nagsisimulang gumiling ang camera.

‘DON’T YOU DARE QUESTION MY PROFESSIONALITY’ – XIAN LIM

HINDI pinalampas ng aktor-singer na si Xian Lim ang akusasyon sa kanya sa social media sa pagiging unprofessional. Sa kanyang Instagram post, Lim said no one has the right to question his professionalism and passion.

Kabilang ang kanyang first directorial job na Tabon sa 2019 Cinemalaya entry kaya hindi nakapagtataka na may mga naiinggit kay Xian ngayong direktor na rin siya ngayon.

Maugong ang tsikang isang direktor ang pinatatamaan ni Xian sa kanyang post na baka hindi pa nakasali sa Cinemalaya ang mga pelikulang ginawa kaya na-insecure.

“You can insult me, mock me all you want, take everything away from me and strip me with nothing but don’t you dare question my professionality, passion and the amount of work I am willing to put in my craft in ALL the projects I make,” bahagi ng post ni Xian.

Sa ganang amin, dapat alam ni Xian na hindi lahat ng tao ay mapi-please niya at gusto siya kaya dapat dedma lang kung akusahan man siyang unprofessionalism. Mas kilala niya ang kanyang sarili kaya keber sa mga naiinggit or nai-insecure man sa kakayahan niya.

135

Related posts

Leave a Comment