ERICH PAHINGA MUNA, PINALITAN NI YAM SA SERYE

erich44

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

DATI  ay sobrang workaholic nitong si Erich Gonzales at talagang ‘pag may ibinibigay na project ang kanyang mother network na ABS-CBN ay hindi siya tumatanggi.

But this time, umatras ang magandang aktres sa proyektong tinanguan sa Dreamscape Entertainment para sa teleseryeng “Love Thy Woman” na pagsasamahan sana nila ni Kim Chiu at Xian Lim. At dahil walang ibinigay na rason si Erich, may mga haka-haka na baka hindi type ng actress ang kanyang character na kontrabida. Or pwede ring ayaw na muna nitong mag-work dahil super rich naman ang businessman boyfriend na si Mateo Lo­renzo. Nasa Japan pala ang actress, at nakitang kasama nito ang ka-close na si Kris Aquino at mga anak nitong sina Josh at Bimby. Mukhang type pa nitong mag-travel abroad kaysa mag-work.

By the way, si Yam Concepcion na pala ang ipinalit ng Dreamscape kay Erich na huling napanood sa controversial top-rating teleserye na “Halik.”  Mag-trending din kaya uli ang role ni Yam sa “Love Thy Woman”? Let’s wait and see.

            ###

Sa mediacon ng iniendorso nitong pizza brand ay nagsalita na si Yassi Pressman sa matagal nang rumor na may namamagitan sa kanila ng bida at director ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na si Coco Martin.

Ayon kay Yassi, siguro ay naki-carry away lang ‘yung viewers sa mga eksena nila ni Coco bilang mag-asawa sa serye. Pero hanggang doon lang daw talaga ang relasyon nila ni Coco na magkasama sa trabaho at magkaibigan.

Si Coco naman ay never nagsalita tungkol sa issue sa kanila ni Yassi, kasi wala naman siguro siyang dapat na ipaliwanag.

Halos magtatatlong taon na palang napapanood si Yassi sa nasabing serye, at dahil sa appearance niya rito ay dumagsa ang kanyang product endorsements at movie projects.

     ###

Tumagal ng dalawang taon ang franchise ng “Eat Bulaga” sa bansang Indonesia na napanood sa SCTV (Surya Citra Media) at isa sa naging presenter o host dito ay ang kilalang Filipino host sa Indonesia na si Leo Consul. Napanood ito mula July 16, 2012 hanggang April 2014.

In fairness, dalawang awards ang tinanggap ng “EB” Indonesia: ang Panasonic Gobel Award for Reality Show Presenter (2013) at noong 2015 naman ay ginawaran sila ng Panasonic Gobel Award for Favorite Music.

Ngayong taon ay may bagong franchise ang “Eat Bulaga” sa bansang Myanmar. Ibinalita ito ni Bossing Vic Sotto sa selebrasyon ng 40th anniversary ng kanilang show at very soon ay mapapanood na sila sa Myanmar na malaki rin ang population. I’m sure papatok din ito.

116

Related posts

Leave a Comment