GERALD ISA NANG PHILIPPINE ARMY RESERVIST

ge66

(NI LOURDES C. FABIAN)

ANG Kapamilya star na si Gerald Anderson ay kabilang na ngayon sa Philippine Army bilang reservist.

Sa gitna ng isyung pinag-uusapan saan mang sulok ng bansa, dagdag pogi points sa controversial actor ang pag-graduate sa 3-day course which included skill-building and military training at Camp Tecson, in San Miguel town, Bulacan.

Kasama niyang nag-graduate ang mga kapwa artista at makakasama niya sa eereng primetime series sa ABS-CBN na “A Soldier’s Heart” na sina Elmo Magalona, Yves Flores, Jerome Ponce at Nash Aguas.

Dinig namin ay itong ginagawang teleserye ni Gerald ang papalit sa magtatapos na top rating teleserye ni Angel Locsin na “The General’s Daughter” sa September.

Kasama rin si Carlo Aquino sa bagong serye pero hindi siya nakasama sa three-day Scout Ranger training.

Si Matteo Guidicelli, na isa na ring army reservist, pagkatapos mag-graduate noong June, ang isa sa kanyang mga instructors. Sa kanyang Instagram Stories, nag-post si Anderson ng maraming pictures na kuha sa kanilang graduation party.

“Nag-training kami, nag-bootcamp kami. Hindi kami trinato parang artista, which was very good lalo na sa ibang cast na parang first nilang gagawa ng ganung klaseng show,” paglalahad ni Gerald sa naranasang training.

Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataon na Gerald underwent military training. Taong 2017 ay nag-undergo rin siya ng training para sa indie action film na AWOL. Usap-usapan ding last year pa sinimulan itong “A Soldier’s Heart” ni Gerald kaya bale itinutuloy na lang nila ngayon.

Binigyan sila ng rank of private after the training last Friday.

 

351

Related posts

Leave a Comment