GERALD NAGPAALAM NA RAW SA DADDY NI JULIA?

gerald41

(NI RK VILLACORTA)

HAYAN tuloy, naging instant trending si Gerald Anderson nang mabalitang split na sila ng girlfriend na si Bea Alonzo.

Kung tama ako, ang relasyong ito lang yata ang nag-trend sa social media na pati mga taga-showbiz ay openly nakisimpatiya sa aktres at wala man lang kumampi sa aktor.

Sa isang recent product launch na ang aktor ang celebrity endorser, walang nagtangkang magtanong sa binata tungkol sa hiwalayan isyu at ang tungkol sa kanila ni Julia Barretto.

Sa socmed “parinig” ni Bea, pangalawang pangangaliwa na pala ito ng binata sa aktres.

Una ay sa dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach at ang pangalawa ay itong hot item ngayon, ang sa kanila ni Julia na pareho niyang nakasama sa pelikula. Iba ang gut feel ng babae, sabi ng isang close friend ng aktres.

Naging joke tuloy ang aktor sa socmed. Lahat daw ng na-link sa kanya ay model-celebrity endorsers ng shampoo – from Kim Chiu to Sarah Geronimo, Maja Salvador, Pia and Bea. Si Gerald daw ang “dandruff” na pupuksain ng mga shampoo! Ang latest tsika as of Tuesday ay nagkausap na diumano ang binata at ang ama ni Julia na si Dennis Padilla over the phone at inamin ng aktor na split na sila ng girlfriend na si Bea at nagpaalam na ito kay Dennis na gusto niyang ligawan ang anak.

Nang pumutok ang balitang hiwalayan na ito, si Julia ang tinukoy na third party, so I’m wondering bakit mas nagsimpatiya ang tiyahin ni Julia na si Gretchen Barretto at mas kumampi kay Bea kaysa sa pamangkin.

Until now ba, may isyu pa rin sina La Greta at ang ina ng dalaga na si Marjorie Barretto?

Ilan sa mga taga-showbiz na nakisimpatiya kay Bea ay sina Kris Aquino, Dawn Zulueta, Loisa Andalio, China Cojuangco, Andrea Brillantes, Tim Yap, at Isabel Oli.

                                                                                               ###

Sa mga naghihintay kung kailan magsisimula ang pelikula na pagtatambalan nina Maine Mendoza at Carlo Aquino, huwag nang mainip ang mga fans ng dalaga dahil ayon kay Carlo, baka next Thursday na ang first shooting day nila.

Sa ngayon, busy sila sa acting workshop na halos buo at solid na ang bonding nila na malaki ang maitutulong sa pagsasama nila sa pelikula kapag nagsimula na ang shooting.

So far, after the workshop, from a very reliable source, si Maine at boyfie naman niya na si Arjo Atayde ang palaging magkasama after ng taping ng aktor ng “The General’s Daughter.”

103

Related posts

Leave a Comment