GOODBYE JUDAY, HELLO LIZQUEN

(NI BEN BAÑARES)

MAGWAWAKAS na ang fantaseryeng Starla ni Judy Ann Santos. Ito ba ang papalitan ng Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil?

Narito ang ilang showbiz insights ng spirit questor na si Atty. Nick Nangit para sa 2020:

“Hindi na makalulusot ang prangkisa ng ABS-CBN sa Kongreso. Mapipilitang magpalit ng may-ari at tagapamahala nito. Magwawatak-watak at sari-saring sisihan ang gagawin ng mga artista’t empleyado nito, lalo na iyung mga nagpagamit at iyung mga hindi nag-iisip pero maingay lang. May ilan sa kanilang ngangawa pa rin, pero matatabunan na ito ng kawalan. Mas maraming bagay na dapat bigyang pansin.

“Wala nang papansin sa Barretto family feud. Baka umabot ito sa puntong pagtatawanan lang ng mga makakabasa o makakaalam nito. Tatahimik sila pansamantala, pero muling may mitsang masisindihan na magdudulot ng panibagong bangayan. May kapatid na gusto talagang lumaban, pero mag-aatubili na ito dahil sa pakiusap ng ina nila. May magkakasakit din.

“Magkakaroon ng kaunting di pag kakaunawaan ang KathNiel, pero maaayos din ito.

“Baka may mag-ayang lumagay na sa tahimik ang LizQuen. Mawawalan ng sigla ang samahan nila kung ipipilit mamagitan ang isang sumisikat na baguhan.

“Pawala na ang AlDub. Isa na lang itong matamis na alaalang masarap balikan. Kelangan na nilang tanggapin na may nakalaan nang iba para sa dalawang ito, bagama’t mas itutuon ng isa ang kanyang pansin at oras sa trabaho at mga bagong proyekto.”

PRANGKISA NG KAPAMILYA ‘DI MAKALULUSOT

BAGONG taon, bagong pag-asa! Nawa’y sinlinaw ng 20/20 vision ang magagandang ganap para sa ating lahat!

Syempre pa, abang-abang tayo kung makababawi si Gerald Anderson sa Kapamilya teleseryeng A Soldier’s Heart matapos ang heartaches na idinulot niya kay Bea Alonzo.

Makakabangon kaya si Julia Barretto sa zombie thriller na Block Z?

Break-out stars ng 2019 ang Viva stars na sina Marco Gumabao (Just A Stranger) at Kim Molina (#Jowable).

Kapana-panabik ang pagbibida muli ni Marco sa Valentine movie ng Viva kung saan co-stars niya sina Lovi Poe at Tony Labrusca.

Naghari sa takilya ng MMFF 2019 ang miraculous movie ni Aga Muhlach. Nawa’y box office sensation din ang susunod niyang project.

Napatalsik si Vice Ganda sa trono ng topgrosser sa MMFF. Huwag naman sanang isisi ito kay Ion Perez.

Unstoppable ang ligaya ni Maine Mendoza sa piling ni Arjo Atayde. Di bale nang so-so lang sa takilya ang mga pelikula niyang Isa Pa, With Feelings at Mission Unstapabol: The Don Identity.

FOR JOEM AND  MERYLL LOVE IS LOVELIER THE SECOND TIME AROUND

Love is lovelier the second time around. Totoo ba ito kina Joem Bascon at Meryll Soriano?

Nagkamabutihan sila sa Kapamilya teleseryeng I Love Betty La Fea (Setyembre 2008-Abril 2009) na pinagbidahan ni Bea Alonzo.

Mahigit isang taon ang kanilang relasyon, at nakasumpong sila ng ibang pag-ibig.

Nagkasama sila sa MMFF 2019 entry na Culion, at nabalitang bumalik ang maganda nilang samahan.

Namataan sila ng kaibigang Ogie Narvaez-Rodriguez na sabay tumalilis sa MMFF 2019 Gabi ng Parangal matapos tanggapin ni Joem ang trophy niya bilang best supporting actor for Write About Love.

Magkasamang sinalubong nina Joem at Meryll ang bagong taon. Nag-media noche si Joem sa piling ng pamilya ni Meryll.

Janine at Jasmine…YOU LIKE IT OR DON’T… TULOY ANG AGIMAT NG LAWIN

Kapuso vs Kapuso! Sa ayaw at sa gusto nina Janine Gutierrez at Jasmine Curtis-Smith, tuloy ang Agimat ng Lawin ni Senador Bong Revilla sa GMA Network.

Ang tapang-tapang nina Janine at Jasmine kahit wala pa silang napapatunayan sa takilya.

Ang lolo ni Janine na si Christopher de Leon ay mina-manage ni Lolit Solis, na siya ring manager ni Senador Bong. Ang ate ni Jasmine na si Anne Curtis, may special participation sa pelikulang Ang Panday (2009) na pinagbidahan ni Senador Bong.

Makakatulong kaya sa Kapuso teleseryeng Descendants of the Sun ang mga hanash ni Jasmine?

 

 

155

Related posts

Leave a Comment