JEFFREY MALAKI ANG PASASALAMAT KAY JUDAY

SCENESPAANO maging kapatid si Judy Ann Santos?

Ito ang itinanong namin kay Jeffrey Santos nang nakapanayam namin kamakailan.

“It’s such a blessing, na maging kapatid ni Juday, kasi alam naman natin na hindi siya madamot, she doesn’t suppress, she doesn’t control… she doesn’t even implies na she’s Judy Ann Santos na kapatid mo.

“She’s just there as your sister.

“The names never mattered. The accolades never mattered. Kung ano man ‘yung kinasikatan niya, kinasikatan ko, never mattered. Basta pag nandun kami, ‘yung hawak niya sa akin, kuya niya ako, ‘yung hawak ko sa kanya, bunso ko siya.

“Wala, walang ano, alam mo naman e, bahay e. It is not a house, it’s a home. In every sense of the word, in every sense of the word.”

Kahit noong mga panahon na si Jeffrey ang sikat na male teenstar at halos nagsisimula pa lamang mag-artista si Judy Ann ay “wala ng star-star” sa bahay nila.

“Ang pag-aartista sa amin talaga was just a way to make money, dahil walang tatanggap sa amin sa trabaho, dahil wala kaming mga diploma. It was just a means for us to get by, it was never a want or a whim, it was necessity.

“That’s what made us different.”

It’s not about fame.

“Kaya kami siguro…kaya tumaas ang respeto namin sa trabahong ‘to, dahil inalagaan kami nung trabaho. Sa takot naming mawalan ng trabaho, nirespeto namin, at inalagaan namin, kaya inaalagaan din kami in return.

“Kaya kahit ilang araw… ilang taon kaming hindi gumawa, ‘pag gumawa kami kahit papaano ‘yung retention ng trabaho namin from a previous na trabaho, naaalala, e.

“It’s not actually a timeless piece of work na ginawa namin, it’s just that since wala naman ibang nababalitaan sa amin, it just stays there. Kumbaga sa [Facebook] wall, hindi siya na-o-overfeed, so hindi siya nagso-scroll down, kung saan mo siya iniwan nandun lang siya, dahil walang intriga.”

Hindi maintriga ang buhay nilang magkapatid.

“Wala, kasi nga we learned to respect the job, even before it gave us all of this. Natakot kaming mawalan ng trabaho dahil natakot kaming mawalan ng pera, dahil alam namin pag wala kaming trabaho hindi kami kakain.”

At natutunan nila ito sa murang edad.

“The hard way. At an early age. So, kaya kami pag nag-uusap-usap kami, tapos may mga nakakarating sa amin, ‘Ah si ganito, ang yabang sa set!’

“You know, it breaks our heart na these actors na nakakarating sa amin, ke totoo man, ke hindi…siyempre, I’m giving them the benefit of the doubt, it breaks our heart na wala kaming ganyan noon, e.

“We don’t have acting coaches, all we had was a break, an opportunity to showcase what we knew, a one-time thing.

“Hindi katulad ngayon na kapag pumalpak ka puwede kang umulit, dahil ine-invest-an ka, dati wala nun. They took a chance, and if you made it, good, if not, next time.”

Hit or miss kasi noon ang pag-aartista at pagsikat.

“Make or break! Anong hit or miss? Lahat ng moves mo make or break. Hindi ka puwedeng magkamali noon, hindi katulad ngayon, you have these powerful people behind you, na kahit magkamali ka, pag may tiwala sa ‘yo…may damage control, may beauty shots.”

“That’s why kami, before it was granted to us, we appreciated it, dahil sa amin it was a need, it was never a want, na lumaki ako, ‘Gusto kong mag-artista!’,

“No! I wanted to be a pilot, may kanya-kanya kaming ambisyon, but because of…you know, the hands that were dealt to us, naiba ng kaunti. Walang…no regrets naman, no regrets.”

oOo

Hindi biro ang ginagawang paghahanda ng cast ng upcoming primetime series ng GMA na Sahaya para sa kanilang programa.

Bukod sa free-diving lessons at pag-aaral ng iba’t ibang kultura at tradisyon ng mga Badjao, nagkaroon din sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Jasmine Curtis-Smith ng dance workshop para mas magampanan ng tama ang kanilang mga karakter.

“It looks easy but it is really not. We don’t treat it as a dance, it is actually a prayer,” ayon kay Bianca.

Samantala, excited na rin si Jasmine sa kanyang bagong proyekto sa Kapuso Network; and yes tiyak na kaaabang-abang ang papel niya kung saan gaganap siya bilang nanay ni Sahaya!

“I’m definitely excited kasi you really have to be specific sa mga information or facts na ibibigay natin sa story and kung paano ko rin siya ipo-portray,” saad ni Jasmine.

Abangan ang Sahaya, malapit na itong mapanood sa GMA. (ROMMEL GONZALES)

194

Related posts

Leave a Comment