JOHN LLOYD, HANDA NANG BAWIIN ANG KANYANG TRONO

john lloyd12

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD RAFER)

Nung “nawala” si John Lloyd Cruz, umarangkada nang husto ang career ni Coco Martin sa ABS-CBN. Ngayong nagparamdam na ang aktor at babalik na sa Kapamilya Network, kukunin na niya ang tronong iniwan niya.

Marami ang natuwa sa pagpapahiwatig ni Loydie ng pagbabalik-showbiz. So, hindi totoo ‘yung sinabi noong hindi na siya babalik sa showbiz.

Feeling namin, hindi na siya babalik sa “Home, Sweetie, Home” dahil nandun na si Piolo Pascual. Buo na ang kwento nina Piolo at Toni Gonzaga at mahirap nang baguhin pa ‘yon. Isa pa, nandun na rin sina Ogie Alcasid at Rufa Mae Quinto na mga bagong dagdag na characters.

Kahit ang ilang mga malalapit na kaibigan ng aktor ay masaya rin sa pagbabalik niya sa showbiz.

“Nagparating na nga ako ng mensahe sa kanya sa kanyang twitter na, ‘See you soon and welcome back!’ ang sabi ko,” sabi pa ng kaibigan din namin na super close kay Loydie.

Maging ang mga kaibigan ni Loydie at nakatambal sa pelikula gaya ni Bea Alonzo ay masaya rin para sa kanya. Pati na rin si Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach ay excited dahil isa pala ang aktor sa gusto niyang makapareha sa pelikula.

Ano kaya ang mauunang gagawin ni Loydie, pelikula o TV show? Abangan!

139

Related posts

Leave a Comment