JOSHUA GARCIA SASABAK SA IBA’T IBANG KLASE NG PELIKULA

ANY time soon ay magsisimula nang magsyuting  si Joshua Garcia  ng horror film na ‘Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan’ na base sa mystery novel ni Bob Ong. Sa ginanap na story conference ng pelikula noong Lunes (Feb. 10) ay nakilala na rin ni Joshua ang ibang cast na makakasama niya sa Regal Entertainment and Blacksheep co-produced movie

Excited din si Joshua na makabuo ng panibagong friendship sa mga artistang makakasama niya sa pelikulang ididirek naman ni Chito Rono.

“Oo naman, ‘yon ang masarap kapag may mga bagong project, may bago ka ring nakakatrabaho at nagiging kaibigan,” say pa ng aktor.

Ayon kay Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, very faithful sa novel ang pelikula dahil ang author nitong si Bob Ong ang sumulat ng screenplay ng ‘Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan’.

“Maraming nagtatanong sa netizens natin kung sana raw true to what it is ang novel and we’re assuring you na it is, kasi mismong si Bob Ong ang nagsulat ng screenplay,” paniniguro niya.

Eh, paano ba nabuo ang idea na gumawa ng panibagong horror movie ang Regal at si Direk Chito Rono?

“Sabi ko, ‘Chito, gawa naman tayo ng horror,’ kasi kakatapos lang nung Signal Rock. Sabi ko, ‘Horror naman tayo.’ Ayun, na-present niya ‘yung ‘Mama Susan’ sa akin. Do’n nag-start,” kuwento ni Roselle.

“Nabasa ko ‘yung libro, eh. Unique ang istorya niya. Iba-iba yung perspective niya sa buhay. Akala mo ang bait-bait ni Galo, kawawa siya, later on mo lang malalaman kung talagang sino siya, si ‘Mama Susan’ ang magri-reveal,” say naman ng director kung bakit niya nagustuhang gawan ng movie version ang nobela ni Ong.

Samantala, bukod sa horror film na ‘Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan’ ay gagawa rin ng isang action project si Joshua sa iWant.

Aniya, “Kung ano kasi yung pumapasok na project tanggap lang nang tanggap, ‘di ba? Nagiging happy lang ako kasi siyemre iba’t ibang genre ‘yung nabibigay sa akin. At least nagagawa ko lahat. Nagiging flexible ako as an actor.”

Sinasadya ba niyang magbisi-bisihan para makalimutang magka-love life?

Natatawa at pabiro niyang tugon,  “Mas okey ‘yung maraming work kasi hindi ka magugutom. At saka mas okey ‘yung may ginagawa ka kesa wala kang ginagawa. Parang pag-artista, mas okey na pinagkakaguluhan ka kesa hindi ka pinagkakaguluhan.”

Eh, kelan naman niya balak magka-love life ulit?

“Ako, hindi ko masabi ‘yan. Open naman kasi ako sa kung anong pumasok. Kasi ayoko ring magsalita ng tapos,  alam mo naman ako — marupok,” confession niya sa amin.

“Ayoko namang magsalita nang tapos na, ‘Hindi, focus muna ako sa career.’ Kasi siyempre hindi mo masabi ‘yung tatakbuhin ng taon sa akin. Malay mo may makilala akong magpapasaya sa akin,” dagdag niya.

At sa patuloy na nagli-link sa kanilang dalawa ni Janella, may reaksyon ang binata.

“Happy naman ako kung anong meron sila (ni Markus Paterson). And happy rin naman ako kung anong meron kami ni Janella. At least ‘yung sa amin – ‘yung friendship namin forever yon,” lahad pa ni Joshua.

 

231

Related posts

Leave a Comment