JULIA BARRETTO’S DAMAGE CONTROL: NAG-BOOMERANG!

julia77

(NI KC GUERRERO)

TAONG  2015 ay may inihain na restraining order si James Reid laban kay Julia Barretto. Dahil sa TRO na-limit lang si Julia sa Star Creatives. Si James Reid ay active sa paggawa ng soaps.

Fast forward tayo sa taong 2018. Bumango-bango muli si Julia dahil tinangkilik ang loveteam nila ni Joshua Garcia. But not on a LizQuen-JaDine-KathNiel level. So, may mga projects for both without the other. Nag-Between Maybes.

Andaming probabilities. Andaming assumptions. Na-Bea Alonzo. Na-ghosting. Nanahimik sila.

UNTIL UMEPEK ANG REPERCUSSION.

Product endorsements started to cancel or back out. Rattled sila. Kailangan ng drastic measures. Nag-hire ng damage controller a.k.a. ghostwriter. GHOSTWRITING IS THE ANSWER. Pero nag-backlash.

Ang effect kasi ay parang nakalunok ng liquid ecstasy si Julia at nagising ang subconscious mind niya.

May pa-HOWEVER pa! Dinaig ang SAKSI Ngayon editor. [Haha! – Ed. Ben]

Para mapigil ang effect ng negativity. Nawawala ang mga pagkakakitaan. Kailangan bumango ang TEAM JULIA!

‘Pag nagbasa ka, BenThought, sa mga social media reactions, imbes na ma-control, lumala pa ang sitwasyon.

Kailangan na nilang mag-hire ng professional damage controller.

Dapat matuto sila sa nag-handle sa SHARON-GABBY-JANICE ahasan noon.

Buhay pa ang marami sa involved!

                                                                                      ###

Nakaabot ako sa Starmall, Alabang noong Linggo. Inabutan ko ang performance ni Myrtle Sarrosa para Sisters Day event ng MegaSoft Hygienic Products, Inc. Ang schoolmate natin sa UP Diliman na si Myrtle (cum laude sa MassCom kamakailan lang, BenThought!) ang ilang taon nang endorser ng Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners na siyang flagship products ng MegaSoft for 19 years.

Kaya naman inihayag na by next year, expect more exciting things to come dahil ika-20th year na ng Sisters. Sa mga hindi nakaaalam, parang ilang taon na nga ba ang MegaSoft ni Ms. Aileen Choi-Go (VP for Sales and Marketing) ay talagang nakatutulong sa napakara­ming tao, lalo na sa iba’t ibang schools sa buong bansa.

Malapit na ring magka-print ad sa SAKSI Ngayon ang products ng MegaSoft, my dear fave editor BenThought!

Since 2016, may 70 schools na ang nabigyan nila ng entertainment, assistance at inspirasyon. Kaya madalas naming naririnig sa mga endorsers ng kompanya gaya ni Myrtle at iba pang ambassadors like Aljun Cayawan, Young JV at Ryle Santiago kung gaano sila ka-grateful na sila ang mga napiling endorsers ng MegaSoft.

Ayon kay Ms. Aileen na masayang-masaya kahit umuulan, ang daming duma­ting sa Sisters Day na, “Every year, sine-celebrate po natin ang Sisters Day. Para itong camaraderie sa ating mga kababaihan na hindi po tayo magpabaya sa ating mga sarili at sa ating mga kaibigan.”

Alam mo, BenThought, bilib ako sa produktong ito dahil ang mga endorsers nila ay hindi mga superstars.

Ang foremost criterion nila ay ang excellent sa acade­mics o pursigido sa pag-aaral.

Kaya number one sa kanila ang “Pinoy Big Brother” Grand winner na kababayan kong Ilonggo na si Myrtle. UP Diliman ang school at grumadweyt with cum laude honor.

Matuk mo!

 

274

Related posts

Leave a Comment