“KAHIT BENIGN ANG CYST, PWEDE ITO MAGING KASING LAKI NG BOOBS!” – THEA TOLENTINO

(By ROMMEL GONZALES)

Fully recovered na si Thea Tolentino mula sa operasyon niya noong Mayo ng taong kasakukuyan. May mga cysts siya sa dibdib na ipinatanggal niya!

“Benign naman po. Natanggalan na po ako dati, 2010, benign po. ‘Yung unang tanggal po sa akin 2010, tapos ‘yung recent last May.”

Anim na cysts ang tinanggal kay Thea kamakailan na ipinagpapasalamat niya dahil lahat ay benign o hindi cancerous.

Nasa lahi raw nila ang ganitong kundisyon.

Pero kailangang tanggalin talaga?

“Hindi naman po, ano lang po kasi, ganito na siya kalaki.”

Singlaki na ng one peso coin?

“Yes! Mas malaki po ‘yung tinanggal sa akin nung 2010, ganito [doble na sa laki ng piso], ngayon po ganyan.

”Isang ganito [size ng piso] tapos maliliit ‘yung iba.

“Hindi naman daw po kailangan tanggalin, kahit benign. Pero kasi kahit benign po siya lumalaki, so meron daw po kasing rare cases na kahit benign siya, lumalaki siya ng kasing laki ng boobs!

“So kailangang tanggalin talaga,” kuwento pa ng Asawa Ko, Karibal Ko actress.

At habang inooperahan si Thea ay pinapanood pa niya ang procedure.

“Opo, gising po.”

May anaesthesia naman?

“Opo, meron po.”

Wala naman ba siyang naramdamang takot nang natuklasan nitong May na meron na naman siyang cysts?

“Well, hindi naman po, kasi sabi… ewan ko, hindi naman ako natakot, ano lang, kasi sabi nila pag gumagalaw daw ‘yung bukol mas okay, mas benign siya.

“Pero pag ‘yung talagang naka-stay put lang siya sa isang lugar, mostly ‘yung ganun daw kasi malignant.”

Hindi naman raw kinailangan siyang i-confine.

“Clinic lang po, outpatient po ako.”

May scar ba o hiwa si Thea pagkatapos ng operasyon?

“Meron po, may hiwa, pero hindi naman siya halata.

“Actually, ‘yung derma clinic po na pinupuntahan ko, ‘yung Contura Medica, breast center din kasi sila, so dun ako inoperahan.

“Nag-o-operate po talaga dun si Dr. Bing [Dr. Exequiel Bing P. Yumang, M.D.].

“So ayun,” sinabi pa ni Thea na ratsada sa taping ng Asawa Ko, Karibal Ko ng GMA kung saan ka-love triangle siya nina Rayver Cruz at Kris Bernal.

10

Related posts

Leave a Comment