KC BALIK-ABS-CBN

PETERLEDESMA(NI PETER LEDESMA)

SIGURADONG ikatutuwa ng maraming fans ni KC Concepcion, kapag natuloy ang plano niyang magbalik showbiz sa 2020.

Although, matagal ng walang contract sa ABS-CBN si KC ay very much welcome pa rin siya sa istayon ng mga Lopezes na maraming taong pinaglingkuran ng singer/actress/host. Dapat ay noon pa may alok kay KC ang Kapamilya network kaso tinanggihan niya ang isang teleserye na matagal ng nagtapos. Bale second lead kasi siya at may pagka-contravida ang role at hindi yata ito feel ng mega daughter kaya kahit mawalan ng project ay deadma lang siya. Favorite ng Dreamscape Entertainment si KC at baka ‘yong comeback niya ay dito niya gawin. By the way, inip na inip na pala si Sharon Cuneta sa pag-aantay na mabigyan ng apo ni KC at nagbiro pa ito na kahit sa mga ex ng daughter niya ay payag siya magka-apo lang sila ni Sen Kiko Pangilinan. Sobrang busy si KC sa

kanyang dalawang negosyo na may kinalaman sa jewelry at convenience store. Gusto na ring magpatayo ng actress ng resort sa kanyang nabiling property sa Palawan.

SYLVIA MAGPO-PRODUCE NA NG PELIKULA

Sobrang ganda ng takbo ng career ni Sylvia Sanchez. Lahat na yata ng suwerte ay nasalo ng mahusay ng actress dahil hindilang ang showbiz career niya ang matagumpay kundi ang kanyang personal life–may masaya siyang pamilya at dalawang artistang anak na sina Arjo  at Ria Atayde na parehong gumagawa ng pangalan. May negosyo rin si Ibyang(tawag ng marami sa actress) at dalawa na ang kanyang Beautederm branch na nasa Butuan at Roces Ave Quezon City kung saan kasosyo niya ang daughter na si Ria. Tapos ratsada rin sa mataas na ratings araw-araw ang teleserye ni Sylvia na “Pamilya Ko.” Ang latest,  ang actress  ay member na ng  ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria at parte na siya ngayon ng ALV family.

Sa kanyang FB post ay ibinahagi ni Sylvia ang kanyang naramdaman na parte na siya ng ALV.:

“So happy to announce that I am now part of the ALV family.  Blessed to be surrounded by people who want to not only see me but help me grow in all aspects.

So grateful for the blessing of having ALV as an additional manager alongside Powerhouse -Anna Goma. I’m excited to see where we’ll go together @alvtalents  Thank you for trusting me and adding me to your roster of talents. #blessing #thankuLORD

Happy evening,”Papasukin na  ni Sylvia ang pagpo-produce ng pelikula next year.

 

214

Related posts

Leave a Comment