KIM DOMINGO UMAAPAW ANG BLESSINGS

kim123

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD M. RAFER)

PAGKATAPOS ng “Super Ma’am,” tuluy-tuloy pa rin ang mga pagdating ng malalaking projects kay Kim Domingo. Regular siyang napapanood sa  “Bubble Gang” at kasama rin sya sa “TODA One I Love” bilang si Vicky na jowa ni Archie Alemania bilang si Kevin.

Kasama si Kim sa isang movie ng GMA Pictures na Kambal-Karnabal. Makakasama niya rito sina Derrick Monasterio (leading man niya), Super Tekla, Ai-Ai delas Alas, Divine Tetay, Jo Berry, Kiray Celis at marami pang iba.  Ididirek ito ni Adolf Alix, Jr. na first time gagawa ng isang comedy movie.

Dahil santambak ang mga komedyante, tiyak na riot ang pelikula sa katatawanan.

Maganda ang mga plano ng GMA kay Kim na masipag at masunuring artista. Wala kang maririnig na reklamo sa flawless na aktres. No wonder, tadtad siya ng blessings sa umpisa pa lang ng taon.

Dream ni Kim na mabigyan ng dramatic roles kung saan mapipiga ang kaalaman nya sa pag-arte.

Malayo na nga ang narating ni Kim na nadiskubre bilang isa sa mga dancers ni Willie Revillame sa “Will Time, Big Time” nung nasa TV 5 pa.

 

                                           MARK HERRAS, MAKINIG KA SA MGA LOYAL FANS MO!

May nakausap ka­ming mga loyal fans ni Mark Herras at agree sila sa desisyon na ginawa ni Winwyn Marquez na hiwalayan ito dahil hindi raw nag-grow ang “Bad Boy ng Dance Floor.” Sa mga pagkakataong hindi busy si Mark sa showbiz, hindi man lang daw ito gumawa ng initiative para mag-aral o magtayo ng negosyo para masigurado ang kanyang kinabukasan.

“Ayan nga at ang sinabi niyang si Winwyn na ang babaing kanyang pakakasalan, nawala pa!”

Sey pa ng mga ito: “Sa dame ng mga bagong dancer ngayon, saan pa siya lulugar? Hindi na siya bagets, noh!  Hindi naman siya pwedeng host dahil may pagka-bulol.”

Among his batchmates sa “Starstruck,” siya pa rin naman ang pinakasikat at mahusay umarte. ‘Yun lang, hindi siya naka-focus sa kanyang career.

“Hindi pa naman huli ang lahat at hindi naman siya nasi-zero pagdating sa trabaho. Pero tandaan niya na bumabagal na ang takbo ng kanyang career. Hihintayin pa ba niya itong tuluyang mawala?”

“Gising, Mark Herras bago pa kami tuluyang magsawa ng pagsuporta sa iyo. Mahal ka namin pero sana mahalin mo rin ang sarili mo!” diretsong litanya pa ng mga supporters ni Mark lalo na ang super die-hard na si  Ruben Litan na isa sa mga nagmamahal kay Mark since 2004, nang manalo siyang Starstruck Male Ultimate Survivor,  along with Jennylyn Mercado.

“Mahal pa rin naman namin sya until now. Pero sana kumilos naman siya para bumalik ang gana namin sa pagsuporta sa kanya,” sey pa rin ng mga ito.

7

Related posts

Leave a Comment