KRIS BERNAL FEEL NA FEEL MAGING KATULAD NI MADONNA

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

UNTI -unti nang nakukuha ni Kris Bernal ang inaasam na muscle tone sa kanyang pigura.

Nakaposte sa Instagram ng Kapuso actress ang after-workout photo niya suot ang mid-rib skin tight sports top at running shorts.

Naka-flex ang isang braso ni Kris na nagpapakita ng kanyang muscles.

Nabawasan ang pami­mintas ng mga followers ni Kris sa kapayatan ng kanyang pangangatawan.

Naiintindihan na ng mga ito na gusto lang magka-muscle ng aktres kaya ito payat at nagbabatak ng metal plates sa gym.

Sabi nga ng mga fans ni Kris, gusto yatang tularan ng kanilang idol, ang international icon na si Madonna na nagpasimula ng toned muscles sa mga babae.

‘Yun nga lang, pinagdi­diskitahan pa rin ang malaking dibdib ng aktres na pinaghihinalaang pina­dagdagan kaya kahit pumayat na ang aktres, hindi man lang nabawasan ang laki ng kanyang breasts.

177

Related posts

Leave a Comment