KRIS BINUWELTAHAN ANG ONLINE BASHER

kris120

(NI JONATHAN ANG)

KAPAG nasaling ang isang Kris Aquino, hindi maaaring hindi ito iimik!

Patola (yet again!) ang Queen of All Media sa isang basher na nambastos sa kanya sa Instagram.

Last Monday (night of April 29), nag-Insta post si Kris tungkol sa ginawa nilang FaceTime ng mga anak na sina Joshua Aquino at Bimby Yap.

Patutsada ng isang @000carl000: “Kris anong feeling na masaya si Korina sa kambal niya at asawa? Anong feeling na walang lalaking nagmamahal sayo?”

Kagyat namang bumuwelta ang still-sought-after product endorser / web star: “@000carl000 if you feel this comment will give her husband 4.2 million more votes best of luck to you.”

Yung ‘4.2 million’ na binanggit ni Kris ay ang bilang ng kanyang followers sa Instagram. Ang mister ni Korina na si Mar Roxas ay senatorial candidate para sa 13 May 2019 elections.

Ang mag-asawang Roxas ay nagkaroon ng anak na kambal, sina Pepe at Pilar, sa pamamagitan ng gestational surrogacy sa Amerika.

Kung may bashers, may supporters!

Pahayag ng isang @aquino_amber08: “atleast c @krisaquino galing sa sinapupunan ang mga anak niya eh kay koring hehehe di niya naranasan maglihi, magbuntis na siyam na buwan at higit sa lahat di niya naranasan sa buong buhay niya magluwal ng bata hahaha baka yang pinangbayad sa ‘Surrogate Mother’ galing sa Yolanda Fund hahaha.”

Sarcastic, kundi man imbey, ang tono ng pagsagot ni Kris about or against Korina dahil may alitan ang dalawa way back 2018 pa.

                                                                                                          ###

After almost two years, binasag na ni Alyssa Quijano ang kanyang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ng dating partner na si Jake Zyrus.

Naganap ang naturang ‘pagbasag’ ni Alyssa, dating member ng girl group na A.K.A. Jam, sa auditions para sa ABS-CBN reality talent search na “Idol Philippines (IP),” na umere nung April 28.

Kuda ni Alyssa sa VTR ng IP: “Marami akong na-sacrifice sa relationship namin kasi I stopped singing. Nawala ‘yung Alyssa na kilala ko. I was just giving my all na parang nakalimutan ko na ‘yung sarili ko.”

Meron nang bagong love interest si Jake, at moving on / moving forward na si Alyssa dahil may bago na rin itong karelasyon.

Ano nga pala ang reaction ni Mommy Raquel (nanay ni Jake Z.) sa binitawang pahayag ni Alyssa?

“Sana di na sinama pa ang publicity. If she wants to make it on top, avoid to use others. Just saying. Past is past. You can tell other story to avoid mentioning other person… Magaling ka, I know. You can do it on top by your own name,” eksaktong pahayag ni Mrs. Pempengco.

99

Related posts

Leave a Comment