NITONG Linggo, Oktubre 13, may dalawang magkasabay na ganap sa Quezon City: 1] QCinema International Film Festival (Year 7) Opening Ceremonies sa Gateway and Novotel, Araneta Center, Cubao; and 2] PMPC Star Awards for Television (Year 33) at Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University, Katipunan Avenue.
As usual, may snubs o absentees sa dalawang events na aming iisa-isahin…
Sa QCINEMA, nagkaroon ng formal ceremony sa Gateway Gallery para sa re-curation ng Brocka, Bernal, and the City, an exhibition of the life and work of National Artists for Cinema Lino Brocka and Ishmael Bernal; sinundan ito ng screening ng opening film na Untrue starring Xian Lim and Cristine Reyes. Ito ang world premiere ng nasabing movie.
Nakadalo si Cristine, no show si Xian, dahil hurt by something or may sama ba siya ng loob sa Untrue director na si Sigrid Andrea Bernardo?
“Siya ‘yung dapat n’yong tanungin,” bulalas with matching bungisngis ni Direk Sigrid sa panayam sa kanya ng press. “Hindi pa kami nakakapag-usap,” sabi niya.
As for me, nabagot ako sa ilang medyo makupad na eksena na OK lang na waley. Akma ang color grading sa mood ng pelikula. I most specially like ‘yung parts na deglamorized, madungis, at bumabayolente ‘yung dalawang main characters. No spoilers!
###
Recipient si Kris Aquino ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award, pero hindi siya naka-attend sa Star Awards for Television. Sinadya ba ni Tetay na isnabin ito? O may reasonable excuse?
“I read a book on ‘sisu’ – it’s the Finnish trait summed up by courage, caring for yourself and others … I wanted to emulate them & keep this chapter of my life private, but the PMPC awards are coming this weekend and there can’t be ‘privacy’ when you want to give due RESPECT to people who have chosen to give you the Ading Fernando Lifetime Achievement Award pero hindi ka pwedeng makadalo dahil palipad kayo ng Singapore,” part ng mahabang hanash ni Kris sa Instagram.
“I had promised all of you that this feed would only have the happy moments that kuya josh, bimb, and i experience. i’m keeping most of that promise by sparing all of us the details kung bakit kailangan kong lumipad and have my tests, 3 months early,” dagdag paliwanag pa niya.
Ahh… may checkup o lab tests pala uli si Kris sa Singapore, kaya ‘di talaga uubra ang personal appearance sa Star Awards. Kaya ang mga anak niyang sina Josh at Bimby ang tumanggap ng kanyang award on her behalf.
Hay naku, If I were to create my own award-giving body, gagawa ako ng rule na ‘pag hindi physically present ‘yung winner (i.e. the nominee with the highest votes), automatically ide-declare na winner sa Gabi ng Parangal ‘yung nakakuha ng second highest votes, or kung absent din, ‘yung third highest votes, and so on! Ako na ba ang tunay na baliw? Hahaha!
120