MAHIGIT pa sa matalik na magkaibigan ang turingan ngayon nina Francine Diaz at Kyle Echarri. Naging malapit sa isa’t isa ang tambalan ng KyCine mula nang magkasama sa teleseryeng ‘Kadenang Ginto’ at ngayon ay mayroon nang espesyal na ugnayan ang dalawa. “Masaya po ako ‘pag nakikita ko siyang masaya. It’s one of the best feelings seeing someone especially if I’m the one who made her happy. ‘Yung pakiramdam na ang sarap pala kasama nito, ang sarap pala pasayahin ‘tong taong ‘to,” makahulugang pahayag ni Kyle.
Malaki naman ang pasasalamat ni Francine sa aktor dahil palaging naroon si Kyle upang sumuporta sa kanya. “Thank you so much dahil kapag sad ako, gumagawa ka ng way para mapasaya ako. And thank you kasi kapag may problema ako, nakikinig ka sa akin palagi. Never mo akong iniwan sa ere,” mensahe ni Francine para kay Kyle.
“Thank you dahil tinatanggap mo ako bilang kaibigan mo. I’m happy that you allow me to be someone in your life. You allow me to make you happy and thank you dahil sa tagal ko sa industriya, it’s been hard for me to find friends and I can promise you na ikaw ang isa sa mga pinakapaborito kong tao sa mundo,” sagot naman ni Kyle sa dalaga.
Talagang hindi na rin maitago ni Kyle ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Francine. “Sa ngayon Tito Boy, lagi ko po siyang nakakasama. I know a lot of things she’s been going through. We both know more than anyone knows about each other,” pagtatapat ng aktor. -Reports from JCC-
159