LOVI POE DARING SA BAGONG PELIKULA

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Maagang sinilebrayt ng management group ni Lovi Poe ang kanyang kaarawan.

Dapat ay sa February 11 pa ang birthday nito, pero nung nakaraang Lunes ay nag-organize na ang manager ng Kapuso actress ng surprise birthday party sa kanya na ginanap sa The Frazzled Cook sa Quezon City.

Akala ni Lovi, may meeting siya roon dahil iyun ang sinabi sa kanya kaya siya pumunta.

Kaya gulat na gulat siya nang bumungad sa kanya ang pamilya niya, mga close friends at mga katrabaho.

Dumalo ang mag-inang Sen. Grace Poe at Bryan Llamanzares, Dina Bonnevie, Tony Labrusca, Albie Casino, direk Joel Lamangan at direk Jay ALtarejos.

Doon na rin ay excited na kinuwento sa amin ni Lovi maganda raw ang gagawin niyang drama series sa GMA 7 na gustung-gusto raw niya ang makakasama niya.

Next Month na rin ipalalabas ang pelikula niyang Hindi Tayo Puwede na ginawa niya sa Viva Films.

Nilinaw niya ang napabalitang sobrang daring niya sa pelikulang ito kasama sina Tony Labrusca at Marco Gumabao.

“Daring yes, but emotionally parang I feel na dinare ko yung soul ko in this movie.

“Sa lahat naman na pelikula ko I make sure that I did my best. This story is very different. I’ve never done before.

“Excited ako na mapanood ng mga tao kasi ibang klaseng istorya ito,” pahayag ni Lovi.

‘DAIG KAYO NG LOLA KO’ NI GLORIA ROMERO, ‘DI PA TSUTSUGIHIN

 

SEE: Ang latest na nabalitaan namin, hindi na pala tsutsugihin ang Daig Kayo ng Lola Ko ni Gloria Romero.

Lumalakas daw si Tita Glo kapag nagti-taping ito ng spiels niya sa naturang fantasy drama.

Sa bahay lang naman niya siya kinukunan, kaya hindi ito gaanong nahihirapan.

Lalong gumaganda ang feedback sa Daig…at consistent pa itong mataas kaya tuloy pa rin pala ito.

Hindi na pala ito papalitan ng Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla, magkakaroon ito ng sariling timeslot, na magsisimula na bandang April.

GRACE POE AGREE SA EDDIE GARCIA LAW

 

SWAK: Nakatsikahan namin si Sen. Grace Poe sa surprise birthday party kay Lovi Poe at isa sa binanggit na agree siya sa pinag-uusapan sa Kongreso na Eddie Garcia Law.

“Sa tingin ko nararapat lang na mabigyan ng karagadagang proteksyon sa ating mga kasamahan sa industriya. Lalong-lalo na napakahaba ng panahon ng pagtatrabaho di ba? Ang iba halos 24 hours tuluy-tuloy, so lalong naaaksidente. So, dagdagan natin.. meron nang mga batas na naipasa sa DOLE, kaya lang mas kailangan siguro sa industry ang Eddie Garcia Law dahil nga ang working conditions sa showbiz ay iba. Dito kasi erratic eh.

“Kaya siguro napapanahon na ito ay mabigyan ng pagkakataong maipasa,” pahayag ni Sen. Poe.

Pero sinusunod naman ngayon ng mga network ang karagdagang pag-iingat.

Lahat na tapings sa show ng GMA 7 ay meron na raw talagang naka-standby na ambulansya at Paramedics.

Sa set ng Descendants of the Sun ay doble-doble na nga raw ang ambulance at ang dami raw Paramedics na nakabantay sa kanila.

Tinitiyak lang na safe ang mga artista, pati na rin ang staff kapag nagti-take, lalo na kapag maaksyon ang mga eksenang kinukunan

GANDANG GABI VICE PINATUMBA NINA BOOBAY AT TEKLA

vice ganda12

SEE: Malapit na palang tapusin ang Gandang Gabi Vice dahil madalas namang natatalo ito sa rating ng katapat na The Boobay and Tekla Show.

Ang nabalitaan namin, isang game show na may kantahan daw ang ipapalit na si Vice Ganda pa rin ang host.

Ang title daw ng bagong show ni Vice na ipapalit din sa GGV niya ay Everybody Sing.

 

 

192

Related posts

Leave a Comment