MAGBIYENANG PILITA AT LOTLOT MAY KONTROBERSYA NA NAMAN

lolitNALUNGKOT din ako na nagkaroon na naman ng kontrobersya sa dating magbiyenang Pilita Corrales at Lotlot de Leon.

Nag-guest lang si Pilita sa 1st anniversary show namin ni Cristy Fermin na ‘Take It Per Minute Me Ganun’, nagkaroon pa ng isyu dahil sa sinabi niya tungkol sa apo niyang si Janine Gutierrez.

Hindi mo rin masisisi na mag-react si Lotlot dahil kailangan niyang ipagtanggol ang anak niya, siyempre.

Pero sana maayos na at hindi na magkaroon ng palitan ng ‘di magagandang salita.

Huwag na sanang buksan pa ang mga dating sugat at buhayin ang matagal nang inilibing na isyu.

Wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa.

Hanga ako sa maayos na pagpapalaki nina Ramon Christopher at Lotlot sa kanilang mga anak.

I’m sure malaki rin ang naitulong ni Pilita para ma-guide nang mabuti ang kanyang mga apo.

Kung ano man ang mga sama ng loob sa isa’t-isa, sana huwag nang palakihin, ayusin na lang nila.

After all, isang pamilya pa rin sila. At the end of the day, sila-sila pa rin ang magdadamayan.

121

Related posts

Leave a Comment