KAHIT si Maricel Soriano ang ka-loveteam niya sa Regal Films noong 1980s, mas malapit si William Martinez kay Snooky Serna, lalo pa’t syota ito ng best friend niyang si Mon Villarama na dating vice governor ng Bulacan.
Walang alinlangan si William sa pagsasabing tropa o barkada niya si Snooky. Minsang maghimutok daw ito sa kanya na kesyo wala itong boyfriend, ang talak ni William, “Manigas ka!”
Kuwento pa ng 53-anyos na aktor, nagyaya raw sa kanya si Snooky na mag-lunch last month via Messenger. Naiinip daw ang beteranang aktres dahil ang nobyo nito ay nasa abroad. Tumanggi si William.
“Hindi pwede iyan. Best friend ko ang syota mo, tapos, kakain tayo sa labas? Manigas ka ulit!” sabi raw ni William kay Snooky.
Ayaw ni William na matsismis sila ni Snooky na nagde-date habang nasa ibang bansa si Mon.
Noong 2007 pa hiwalay si William sa asawang si Yayo Aguila, na co-star niya sa pelikulang Mia na showing na sa Enero 15.
Naholdap si William noong Nobyembre 2010. Na-depress siya at na-stroke. Nahirapan siyang magsalita, at limang taon na nawala sa sirkulasyon.
Nang bumalik siya sa eksena sa showbiz, nagulat siya sa laki ng ipinagbago ng mga kakilaka niyang artista. Tumanda ang itsura ng mga ito.
Nang makita niya si Dina Bonnevie sa taping sa Quezon Memorial Circle, tinanong niya ito kung nag-gain ng weight. Tumawa lang daw ang premyadong aktres.
Napanood niya minsan sa TV si Maricel.
“Sabi ko — hindi masama ang meaning, sa mind ko lang — mukhang matrona si Maricel.
“Tumanda na kami. Lahat kami, e. Totoo naman. It’s true, di ba?”
Araw-araw na nagte-text noon sa kanya si Maricel ng religious messages or Bible verses. Kaso, kasama sa natangay noon ng mga holdaper ang cellphone niya, kaya nawalan na sila ng communication ng Diamond Star.
Syanga pala, bida sa romcom na Mia sina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman, sa direksyon ni Veronica Velasco. Prinodyus ito ni Chris Cahilig, at nasa cast din sina Billy Crawford, Star Orjaliza, Jeremy Domingo, Sunshine Teodoro, Pau Benitez at Xenia Barrameda.
May mall shows ang Mia sa Sta. Lucia Mall (Enero 5), SM Dasmariñas (Enero 11), at Fisher Mall Malabon & Quezon Avenue (Enero 12). Gaganapin ang National Mia Day sa Enero 13 sa SM Megamall, kung saan may certain number ng mga babaeng nagngangalang Mia ang pagkakalooban ng free tickets sa special screening ng movie.
Abangan natin ang break out stars na Kim at Marco
***
As of January 1, 2020, siyam na Pinoy movies lang ang lumampas sa P100M noong taong 2019. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Hello Love Goodbye (drama) nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Alone Together (drama) nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Miracle in Cell No. 7 (drama) ni Aga Muhlach.
The Mall, The Merrier (comedy) nina Vice Ganda at Anne Curtis.
The Panti Sisters (comedy) nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario.
Eerie (horror) nina Bea Alonzo at Charo Santos.
Just A Stranger (drama) nina Anne Curtis at Marco Gumabao.
Unbreakable (drama) nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gurierrez.
Jowable (comedy) ni Kim Molina.
Tigdalawa ng pelikula sina Anne at Bea na lampas-P100M ang hinamig. Karamihan sa pelikulang iyan ay prinodyus ng ABS-CBN Star Cinema at/o Viva Films.
Ang break out stars ay sina Kim at Marco, kaya abangan natin kung aariba sila this year.
Lima sa mga pelikulang iyan ay drama, kabilang ang top 3. Tatlo ang comedy, at isa ang horror.
FETISH NI CELEBRITY P ANG THREESOME
Ano kaya ang ibig ipahiwatig ng bortalicious gay na si P kaugnay sa tweet niya kina A at T, na magkaibigang pogilicious yummilicious?
Si P ay ex-BF ng isang reality contestant na nag-come out sa closet, at baklang-bakla nowadays.
Si A ay isang modelo na na ang hanash ay bisexual siya, bagama’t sa mga kapwa lalaki lang siya nali-link.
Si T ay magaling humalik.
Nag-tweet si P na kesyo masarap matulog kapag nasa panaginip niya sina A at T. Don’t tell me na nag-threesome sila sa panaginip, huh?!
276