MICHELLE, SUMUSUNOD SA MGA YAPAK NG INANG SI MELANIE

(NI ASTER A. AMOYO)

BEAUTY queen na rin ang twenty-four-year-old na si Michelle Dee, isa sa dalawang anak ng dating mag-asawang Melanie Marquez at businessman at dating actor-producer na si Derek Dee na kanyang minana sa kanyang inang si Melanie.

Melanie was only 15 years old nang siya’y koronahang Miss International in November 12, 1979 sa Tokyo, Japan. Forty years later ay naulit ito sa kanyang anak na si Michelle na siyang kinoronahang Miss World Philippines last Sunday, September 15, 2019 sa Big Dome (Araneta Coliseum).

Two years ago, ang pamangkin ni Melanie at pinsan ni Michelle na si Teresita Ssen Lacsamana Marquez na mas kilala as Winwyn Marquez ay nanalong Reina Hispanoamericana Filipinas sa 2017 Miss World at siya ang kauna-unahang Filipina or Asian beauty na nanalo ng Reina Hispanoamericana crown na ginanap sa Sta. Cruz, Bolivia.

Si Michelle ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa 69th edition ng Miss World na gaganapin in London, England sa darating na December 14, 2019. Marami ang naniniwala na malaki ang chance ng dalaga nina Melanie at Derek na masungkit ang crown.

If that happens, she will be the second Filipina to win the crown kasunod ng 2013 Miss World na si Megan Young na isa ring Kapuso actress tulad ni Michelle at pinsan nitong si Winwyn Marquez.

Bukod kay Michelle, ma­suwerte rin ang dalawa pang Kapuso actresses na sumali sa 2019 Miss World Philippines na sina Kelley Day at Isabelle de Leon na pareho ring nanalo ng crown bilang Miss Eco Philippines 2019 at Miss Multinational Philippines 2019, respectively.

***

Gandang-ganda kami sa black gown na suot ni Judy Ann Santos sa 2nd ABS-CBN Ball na ginanap sa Shangri-La at the Fort in Bonifacio Global City last Saturday kung saan niya kasama ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo.

Ayon kay Judai, balak niyang ipa-auction ang dalawang gown na suot niya sa magkahiwalay na ABS-CBN Ball at ang kinita rito ay diretso sa Bantay Bata Foundation which was founded by the late Gina Lopez.

Speaking of Judai, malapit nang matunghayan ang kanyang bagong TV series sa Kapamilya network, ang “Starla” na pinagtatambalan nila ni Raymart Santiago at kung saan din tampok sina Joel Torre, Jana Agoncillo, Enzo Pelojero, Joem Bascon at Meryll Soriano. Kasama rin sa serye sina Charo Santos-Concio, Anna Luna, Janus del Prado, Bodjie Pascua, Simon Ibarra at Kathleen Hermosa mula sa direksiyon ni Onat Diaz under Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal. May special participation din sa nasabing serye si Heaven Peralejo.

Kung hindi kami nagkakamali, malapit nang magtapos sa ere ang “The General’s Daughter” ni Angel Locsin sa kabila ng pagiging consistent top-rater ng serye.  Ito’y nakatakdang magtapos sa ere on October 4 at ito’y papalitan ng “Starla” ni Juday on October 8 where she will play bida-kontrabida sa kanyang comeback TV series.

***

Last Sunday, September 15, ay nagkaroon ng red-carpet premiere ang pelikulang Marineros (Men In The Middle Of The Sea) na ginanap sa Cinema 9 ng SM City Manila. Ito’y pinagbidahan ni Michael de Mesa at tampok din sina Valerie Concepcion, Ahron Villena, Jon Lucas, Alvin Nakassi, Paul Hernandez, Anthony Hernandez, Jef Gaitan at ang Kapamilya talent na si Claire Ruiz.

Mapapanood na ito starting September 20, 2019. Ito’y joint venture ng Golden Tiger Films at Premier-Dreams Productions at pinamahalaan ng actor-director na si Anthony Hernandez.

188

Related posts

Leave a Comment