(By ROMMEL GONZALES)
Dalawang karangalan ang magkasunod na tinanggap ng aktres na si Gloria Sevilla ngayong taong ito.
Una ay nitong May sa Amerika bilang Best Supporting Actress sa 2018 Philadelphia Independent Film Awards para sa Ang Maestra.
Sinundan ito ng pagwawagi niya bilang Best Supporting Actress din sa 2018 Urduja Film Festival kung saan ka-tie niya sina Odette Khan (Bar Boys) at Yayo Aguila (Kiko Boksingero).
Ginanap ang ang awards ceremonies last October sa Sison Auditorium, Lingayen Pangasinan.
Kapag patuloy raw na napapansin ang acting niya, nasasabi raw ni Ms. Gloria na kumpleto na talaga ang buhay niya.
Bukod sa pagiging aktres ay nanunungkulan si Ms. Gloria sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) bilang Board Member.
Kumusta si Chairwoman Rachel Arenas bilang pinuno ng naturang ahensiya?
“Rachel? Oh my… she’s one of the best chairpersons na nagkaroon ang MTRCB. Isa rin dun, ‘yan si Ar-mida [Siguion-Reyna]. I was under Armida also. Joe Sison, I was under Joe Sison. Pero itong si Rachel — magaling siya, magaling, magaling.
“Mahusay siyang magpatakbo sa MTRCB.”
Noong bago pa lamang nakaupo si Chairwoman Arenas ay may mga nang-iintriga na masyado daw itong bata para sa posisyon pero pinatunayan naman nitong kaya nya ang responsibilidad.
“Hindi dahil bata ka, you’re not capable. No, hindi! Give chance to the young people.
“Di ba naging congresswoman siya? Mahusay makisama sa mga tao, mahusay siyang makisama.”
Bilang parte ng MTRCB, nagbigay si Ms. Gloria ng pagpapaliwanag tungkol sa trabaho nila.
“Yun na nga ang ano namin dito, na iba na kasi ang panahon ngayon eh. Kagaya ng sabi ko, dati ‘yung pagpapakita [ng mga private body parts] dati pinuputol naming ito. Mga love scenes na sobrang-sobra na, sasabihin namin kung puwedeng bawasan, hindi ma-arouse ang audience ba! Maraming rape, maraming patayan, lalo na sa TV.
“We’re very careful dahil ang television it’s a free-willing instrument — na ang bata anytime napa-panood. Kagaya ng G, okay ang mga bata puwede. Pag PG, Parental Guidance, kailangan samahan ng isang adult, isang lola, isang mama, isang ate, isang kuya — to explain to the children na — ‘yan hindi puwedeng ganyan, o ganito. Ang SPG as much as possible huwag sanang panoorin ng mga bata, kasi sana turuan ang mga bata na manood ng CD kapag Saturday at Sunday na katabi ang mga magulang, lalo na pag SPG.”
Kumbaga they rate, they don’t dictate?
“No, no, we don’t.
“We rate, we classify. We rate, we do not cut, we just rate.”
Matapos ma-rate, nasa producers na raw kung ano ang nais nitong putulin sa kanilang pelikula para mabago ang rating ng kanilang pelikula.
133