PINAGLARUAN SI GAZINI?

lolit(NI LOLIT SOLIS)

NALOLOKA ako. Miss Universe ang pinag-uusapan ng mga bakla.

Mukhang tanggap naman agad ang ‘di pagkapanalo ng kandidata nating si Gazini Ganados sa katatapos lang na Miss Universe 2019.

Ang ikinadismaya lang ng karamihan ay ang pagkakamali nang pagtawag ng winner sa Best in National Costume na napanalunan ni Miss Malaysia.

Napalinaw nang pagkatawag ng host na si Steve Harvey na si Miss Philippines ang wagi at ang litrato pa niyang naka-eagle inspired costume na likha ni Cary Santiago ang ipinakita.

Pero ang katabi niyang winner ay si Miss Malaysia na kaagad siyang kinorek na hindi si Philippines.

Kaagad namang idinipensa ni Steve na binasa lang niya ang nasa teleprompter, na totoo naman.

“Ya’ll gotta quit doing this to me, I can read…instead now they tryin’ to fix it.

“See, this what they did to me back in 2015, played me short like that,” sabi ni Steve Harvey.

Ang linaw ng pagkakamali, pero ang dating sa karamihan ay joke lang iyun.

Mockery daw iyun na kung saan ang kandidata ng Pilipinas ang pinaglaruan.

Kaya galit na galit ang mga netizens, at kung anu-anong komento ang ipinu-post sa social media.

Kaya hindi na gaanong napag-usapan ang pagkatalo ni Gazini, kundi kung paano tayo pinaglaruan sa Miss Universe.

Ang isa pang tsismis na pinag-uusapan, sa susunod na taon ay hawak na raw ng team ng dating Governor Chavit Singson ang pagpili ng kandidata nating isasali sa Miss Universe.

Wala na nga raw sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. ang franchise nito.

Kaya magiging Miss Philippines-Universe na ito at baka meron pa raw ibang title na paglalaban para isasali sa iba pang international beauty competitions.

Ang isa pang tsika, balak daw nilang isali uli ang kasalukuyang Binibining Pilipinas-International Patricia Magtanong dahil mas bagay daw talaga siya sa Miss Universe.

Ewan ko kung magagawa nila ito ha?

IMPRESSED ANG MGA BADING SA MINDANAO NI JUDY ANN

Napanood ng mga kabadingan ang Mindanao at sa pakikipagtsikahan nila kay direk Brillante Mendoza, natawa na lang daw ito nang hiningan siya ng reaksyon na maglalaban sila ngayon ng protégé niyang si Coco Martin sa pelikulang ididirek nila sa Metro Manila Film Festival.

May Mindanao si direk Brillante at ang Tripol Trobol naman ay dinirek ni Coco gamit ang tunay niyang pangalang si Rodel Nacianceno.

“Wala namang isyu dun.

“Ang importante, masaya lahat. Iba ang mercado niya, iba ang mercado ko,” pakli ni direk Brillante nang nakatsikahan namin sa special screening ng Mindanao sa Podium. “Ang importante, alam natin sa trabahong ito, maliit na business lang tayo. Hindi tayo puwedeng alam mo yun….hindi tayo puwedeng hindi maganda ang samahan.

“At the end of the day, pag wala na ang lahat na ito ang titingnan lang dito, ang samahan natin di ba?” dagdag niyang pahayag.

Sobrang na-overwhelm lang daw siya sa layo nang narating ni Coco na bukod sa isa siya sa pinakasikat sa ngayon ay nakakapagdirek na siya.

“Ang naisip ko lang nun na mananatili ka sa industry kasi magaling ka naman. Pero hindi ko naisip na magiging ganito siya kalaki at magdidirek siya in the future, and of course sobrang passionate eversince kahit nung nagtatrabaho siya.

“In terms of mga advice sa kanya, alam niya ang mercado niya eh, lalo na sa Ang Probinsyano. Pero pagdating sa mga project sa pelikula, nagkukuwentuhan din kami. Pero mas kilala niya yung market niya, kasi pinag-aaralan din niya yun. Hindi lang siya basta gawa nang gawa.

“Alam niya yung gusto niya. Alam niya yung mercado niya at ang kiliti ng mercado niya,” dagdag na pahayag ni direk Brillante.

Natawa uli si direk Brillante na binanggit niyang talagang ini-expect daw niyang mananalong Best Actress si Judyann Santos sa Cairo International Film Festival.

Nakaikot sa ibang international filmfests ang Mindanao na puwede pang mapanalunan ni Juday.

Pero iba ang sa  Metro Manila Film Festival na sana maganda rin daw ang patanggap ng mga kababayan natin.

Hindi raw  gaanong maganda ang experience niya sa unang pagsali niya MMFF na kung saan isinali niya ang Thy Womb.

Iba raw ang expectations niya rito sa Mindanao.

“Siyempre, gusto namin magka-award. Siyempre kasama yung award para tangkilikin talaga yung film namin, at hindi naman kami talaga nakipag-compete na kami ang mag-number one dito.

“Ang importante dito kahit papano, kapag mapanood natin ang paborito nating pelikula na pinapanood natin taun-taon,” saad ni direk Brillante.

Kaya ang pakiusap niya sa mga kababayan natin:

“Kung meron po tayong natitirang konting pera, kaya nga kami alternative, na sana panoorin din natin ang Mindanao na after natin mag-enjoy, siyempre mag-enjoy tayo sa first two films natin no? Kasi talagang entertainment ang gusto natin, masaya. Okay din naman itong pelikula namin.

“Ang ipinapangako natin dito, mai-entertain tayo dito and at the same time, ma-educate na rin. May matutunan din tayo kahit papano pagkalabas ng sinehan.”

 

317

Related posts

Leave a Comment