PIOLO, NAGHIHINTAY NG MAGANDANG ISTORYA PARA ITULOY ANG REUNION MOVIE WITH JUDAY AT CLAUDINE

Matagal nang pinag-uusapan ang tungkol sa muling pagtatambal nina Piolo Pascual at Claudine Barretto sa isang pelikula. Matatandaang pumatok sa takilya ang pelikulang Milan na pinagtambalan ng dalawa noong 2004. Sa ngayon ay naghihintay pa umano ang aktor ng magandang istorya at tamang pagkakataon upang matuloy ang reunion movie nila ni Claudine.

Abala ngayon si Piolo sa ibang proyekto na kanyang mga ginagawa sa ABS-CBN. “I’m so excited because it’s something new. It’s something that ABS-CBN hasn’t done and something new for me. It’s going to be a new experience, it will begin in couple of weeks now,” bungad ni Piolo.

Bukod sa ilang proyekto sa Kapamilya network ay may ilang pelikula ring ginagawa ang aktor ngayon. “Meron akong mga pelikula but we are transitioning so we want to time it well especially with what we’ve done through the years and we’re celebrating ten years of Spring Films,” pagbabahagi niya.

Isa si Piolo sa mga may-ari at movie producer ng Spring Films. Bukod sa pagiging isang film producer ay kabi-kabila rin ang pelikulang pinagbibidhan ng aktor. “We want to be able to time our films better but I’ve already finished two films last year. One with Brillante Mendoza and another is with Alessandra de Rossi. And I’ll be doing another film with Star Cinema, but depending on the availability,” paglalahad ng aktor.

Samantala, kamakailan ay nabanggit ni Judy Ann Santos sa isang pahayag na si Piolo ang dahilan kung bakit hindi pa natutuloy ang muli nilang pagtatambal sa isang proyekto. “I’m always been open ever since. We’re just waiting for the perfect timing, for the right people like what Juday said, right project, right story. Kasi it’s more than ten years (nang huling magkatrabaho). So sana magandang story para naman hindi masayang, sana makapagtrabaho kami ulit. Same thing with Clau (Claudine Barretto), we’re just waiting for the right timing, script and schedule,” paliwanag ni Piolo.

With report from J.C.C.-  (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

71

Related posts

Leave a Comment