RAYVER CRUZ, WALANG KAALAM-ALAM NA MAY TERMINAL ILLNESS PALA ANG PINSANG SI TEEJAY

By ROMMEL GONZALES

Kagulat-gulat pero totoo: Walang kaalam-alam si Rayver Cruz na may sakit na cancer ang pinsan niyang si Teejay Cruz!

At tulad nga ng naibalita the other day, pumanaw na ang 37-anyos na si Teejay kamakalawa, November 21 ng umaga dahil sa sakit na lymphatic cancer.

Si Teejay ay panganay sa tatlong anak ng aktor na si Tirso Cruz at asawa nitong si Lyn Ynchausti.

At sa panayam namin kay Rayver the same day na namatay ang pinsan niya, inihayag nito ang kanyang saloobin.

“Siyempre nalungkot at nagulat ako  kasi wala talaga  akong ka-ide-idea.”

Matagal na rin daw niyang hindi nakikirta si Teejay.

“Kaya gulat na gulat ako. Wala talaga akong idea.”

Ayon sa usap-usapan ay inilihim talaga ng pamilya Cruz ang tungkol sa sakit ni Teejay.

“And nakikita ko kasi, si Bodie… sa gym.”

At wala raw anumang sinasabi sa kanya si Bodie Cruz na nakababatang kapatid ni Teejay tungkol sa kalagayan ni Teejay.

Nakausap namin si Rayver set ng GMA drama series na Asawa Ko, Karibal Ko kung saan si Rayver ang male lead kasama nina Kris Bernal at Thea Tolentino.

Ginanap ang taping sa Eulogy Center of the Philippines sa Quezon City.

Ayon pa kay Rayver, kahit ang kapatid na babae ni Teejay na si Djanin Cruz ay wala ring nababanggit sa kanya tungkol sa sakit ni Teejay kahit na very close sina Rayver at Djanin.

“Siyempre respetuhin natin ang desisyon nung family and baka si Teejay din  kasi, iyon ang gusto.

“Nakakalungkot talaga, tinext ko nga agad si Tito Pip [Tirso], e.

“Once na matapos ang taping, punta agad ako.”

Sa pagkamatay ni Teejay, na-realize raw lalo ni Rayver na walang pinipiling edad ang kapalaran ng isang tao.

“Hindi rin natin talaga alam kung kailan tayo kukunin so enjoy life lang talaga and be good. Always be good.”

Ano ang memories niya kasama ang kanyang pinsan?

“Actually kaya pala wala na kaming masyadong reunion na magpipinsan kasi si Teejay, siya talaga yung laging, kumbaga, siya yung nagse-set, siya yung leader pagdating sa areunion ng mga magpipinsan.

“Tsaka pag lalabas, pag may gathering,  siya talaga yung unang-unang nagsasabi, siya ang gumagawa ng paraan para matuloy.

“At sobrang bait, sobrang bait ng lahat ng anak ni Tito Pip, wala akong masabi.”

Dahil wala naman daw siya talagang idea na may sakit si Teejay kaya hindi rin siya nag-isip o nagtaka kung bakit walang nagaganap na reunion sa kanilang magpipinsan.

“Hindi ko rin iniisip or sumagi sa utak ko na, ‘Ano kaya ang nangyayari?’”

Naging aktibo sa pag-aartista sina Bodie at Djanin; si Teejay ay huminto na sa showbiz noong bata pa lang siya kaya hindi siya gaanong kilala ng publiko.

Ano pa ang pagkakakilala ni Rayver kay Teejay?

“Same silang tatlo. Sobrang mabait,  sobrang God-fearing. Tahimik lang si Teejay pero pag kasama mo yan sa labas masaya ring kasama yun!”

Tulad ni Rayver at kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz ay mahusay ring sumayaw si Teejay.

“Talented naman silang lahat, e. Sobrang talented silang lahat. Naalala ko gumawa pa siya ng [dance] video noon hindi lang ako nakasali kasi may work ako pero may video sila ni Rodjun noon e, mahilig  silang gumawa ng dance clips sa Instagram, e.

“Kumakanta rin yung si Teejay, lahat ng mga anak ni Tito Pip talented, e.”

4

Related posts

Leave a Comment