SYLVIA SANCHEZ, HINDI NAPAAMIN SI ARJO SA TUNAY NA RELASYON KAY MAINE

By LOURDES C. FABIAN

Wala mang deretsahang pahayag ni Arjo Atayde tungkol sa estado ng kanyang love life ngayon, aminado naman ang Kapamilya actor na masaya siya.  Hindi man tinukoy ni Arjo kung sino ang nagbibigay-inspirasyon sa kanya ngayon, very obvious naman  na ang tinutukoy niya ay ang nali-link sa kanyang Eat Bulaga host na si Maine Mendoza na kasama niya sa MMFF entry movie nina Coco Martin at Vic Sotto na Puliscredibles.

Nagsalita na rin si Sylvia Sanchez sa pagkaka-link ng kanyang anak na si Arjo kay Maine. Bilang ina, alam niya ang lahat ng nangyayari sa dalawa simula pa nang lumabas ang picture nila sa social media na magkasamang kumakain sa isang resto.

Pero kahit daw siya mismo ay walang makuhang pag-amin sa tunay na estado ng magandang relasyon ni Arjo kay Maine. Idinadaan lang daw ni Arjo sa ngiti sa tuwing uungkatin niya ang real score sa kanila. Kaya naman nirerespeto na lamang ni Sylvia ang desisyon ng kanyang anak.

Ang importante ay alam daw niyang masaya ngayon si Arjo kaya masaya na rin siya para sa anak.

4

Related posts

Leave a Comment