THE BARRETTO FAMILY FEUD: LALONG LUMALALA

barretto12

(NI ASTER A. AMOYO)

MUKHANG matatagalan pa bago humupa ang gulo sa pagitan ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine – kung saan dawit din ang pamangkin na si Nicole Barretto at anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Sa halip na mahinto ang bangayan ng pamilya Barretto ay lalo lamang itong lumalala at may iba pang characters ang lumalantad at nadadamay.

Kahit kasalukuyang nasa San Francisco ngayon si Gretchen to be with Dominique Barretto Cojuangco, her only child sa kanyang longtime partner na si Tonyboy Cojuangco, updated pa rin ito sa mga kaganapan sa Pilipinas lalo na ang recent exclusive interview ni Marjorie sa “Headstart” ni Karen Davila na ipinalabas din sa “TV Patrol.” Hindi napigilan si Gretchen na mag-react sa kanyang Instagram account.  Maging ang kanilang bunsong kapatid na si Claudine ay nag-grant din ng exclusive interview sa radio program nina Jobert Sucaldito at Papa Ahwel Paz bilang reaction sa mga pahayag ni Marjorie.

Sa nakikita at obserbasyon ng marami, mukhang may bato-balani sa kontrobersya ang mga Barretto na sinimulan mismo ni Gretchen na siyang unang pumasok sa showbiz.  Sinundan ito nina Marjorie at Claudine  who have their own shares of controversies individually and lately sa second generation ng mga Barretto na sina Julia at Nicole Barretto, although ang huli ay wala sa showbiz.

Although ang Barretto sisters ang sentro ng  mala-teleserye na kontrobersya ngayon, sabit na naman dito si Julia na kamakailan lamang ay nadawit din sa matinding kontrobersya na may kinalaman sa break-up nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Matapos humupa ang Bea-Gerald-Julia controversy, heto’t dawit na naman si Julia sa gulo ng kanyang ina at mga tiyahin.

Kung matatandaan pa, naging controversial din si Julia nang subukan nitong palitan ang kanyang real family name na Baldivia to her maiden name na Barretto. Ang Baldivia ay tunay na apelyido ng kanyang ama, ang actor-comedian na si Dennis Padilla, now estranged sa kanyang inang si Marjorie. Nahinto lamang ang plano ni Julia nang pumalag ang amang si Dennis. Sumunod dito ang break-up nila ng kanyang nobyong si Joshua Garcia pero mas matindi ang kinasangkutang kontrobersya ni Julia nang siya’y madawit sa recent break-up ng dating magkasintahang Bea at Gerald.

Puwede sanang na-spare si Julia sa away ng Barretto sisters kung hindi siya nakisali sa gulo kaya pati ang mga tiyahin niyang sina Gretchen at Claudine ay galit na galit sa kanya ngayon.

Twenty-two years old pa lamang si Julia pero mukhang sanay na sanay na itong mabilad sa mga kontrobersya tulad ng kanyang inang si Marjorie at mga tiyahing sina Gretchen at Claudine.

Sana raw ay hindi na na­kisali pa si Julia at hinayaan na lamang ang magkakapatid na Barretto ang mag-away-away hangga’t gusto nila.

 

145

Related posts

Leave a Comment