TO THE MAX ANG KANEGAHAN NG MAINE FANS

lolit(NI LOLIT SOLIS)

MAY mga nagtanong sa akin bakit wala raw sa poster ng Mission

Unstapabol, The Don Identity ang pangalan nina Lani Mercado at Tonton Gutierrez.

Nagka-isyu pa kasi ‘yang billing nila diyan na siyempre, ang dami namang hanash ng mga fans ni Maine Mendoza.

Sabi ko naman, mas gusto ko ‘special participation sila dyan, kaya hindi ako manggugulo sa billing.

Pero itong huling lumabas na official poster ng MMFF entry na ito ni Bossing Vic, wala ang pangalan nila. Wala roon kahit special participation.

Siguro nahirapan sila sa layout kaya okay lang yun.

Tinanggap ko naman ang project na iyun bilang suporta kay Bossing Vic.

Kung di nila malagay ang pangalan nina Tonton at Mayor Lani, okay lang yun. Hindi ko naman sila maasahan na tutulong sa promo.

Ayokong magdagdag sa kanegahan ng mga fans nina Maine.

Ewan ko lang kung fans talaga ni Maine ang karamihan sa kanila, pero sa poster ng pelikulang ito na ipinost sa Instagram account ng APT Entertainment, ang dami na namang nag-nega dahil ang laki laki raw ng litrato ni Bossing Vic, at si Maine daw halos kapareho na ng size ng litrato kina Jake Cuenca, Pokwang at Jelson Bay.

Magkapareho naman size sina Vic at Maine, ano pang ini-emote nila, sobrang senior naman si Bossing Vic kay Maine. Baka siya naman talaga ang bidang-bida sa pelikulang ito.

Diyos ko day! Poster lang ‘yan, bina-bash pa nila. Punung-puno ng kanegahan.

Hindi nakakatulong ito kay Maine.

Saka hindi naman siguro isyu ito kay Maine, dahil si Vic Sotto naman ang kasama niya rito.

Hay naku! Iba na talaga ang mga fans ngayon.

Ibang-iba na.

MAGANDA ANG PERFORMANCE SA TAKILYA NG UNBREAKABLE AT THE HEIRESS

Natawa ako sa kuwento ng mga bading noong nakatsikahan daw nila si Mother Lily sa premiere night ng The Heiress noong nakaraang Martes ng gabi sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Tinanong daw niya kung ano ba ‘yong Frozen 2 bakit ang lakas lakas. Sino raw ang mga artista diyan.

Sinabi sa kanyang animation lang ‘yon.Malakas talaga ang pelikulang ito. Sa part one pa lang. super lakas na.

Napamura raw siya dahil hindi niya akalaing nilampaso nito ang mga kasabay na pelikula.

Isang linggo pa lang ito sa mga sinehan. Ito lang ang napapanood sa halos lahat na mga sinehan.

Pero siyempre, nabawasan na ito ngayon dahil may bagong pelikula nang nagbukas.

Itong The Heiress nina Maricel Soriano at Janella Salvador, Unbreakable nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez at ang Kings of Reality Shows nina Ariel and Maverick.

Siyempre, nahirapan  itong kina Ariel and Maverick kaya asahan na nating hindi ito magtatagal sa mga sinehan.

Kaya dapat noon first day of showing pa lang ay magpakitang-gilas na itong mga pelikulang ito dahil kung hindi, malamang na ibabalik sa Frozen 2 ang mga sinehan.

Pero naka-Grade A ang Unbreakable at naka-P9.7 Million gross ayon sa Star Cinema sa mga sinehan  at B naman ang The Heiress na passable na ang first day gross.          Napanood ng mga bakla itong The Heiress, nagustuhan nila.

Sa simula pa lang may takot factor na raw, at ang dami raw nakakagulat na mga eksena.

Tiyak daw na magustuhan ito ng mga fans ni Maricel Soriano dahil ang galing pa rin daw ng Diamond Star. Pinalakpakan ng mga manonood ang ilang eksena na si Maricel lang daw makagawa.

Maganda naman ang kinalabasan nila sa boxoffice. Maliban lang sa pelikula ni Ariel na showing lang sa ilang sine.

 

 

419

Related posts

Leave a Comment