VICO SOTTO WALANG TAKOT  BANGGAIN ANG EUSEBIO

(By RONNIE CARRASCO III)

INCUMBENT COUNCILOR ng Pasig City si Vico Sotto, anak nina Vic at Coney Reyes. Pero tumatakbong mayor si Vico na walang takot na babanggain ang isa sa mga Eusebio.

Ang mga Eusebio ay batikang angkan sa local politics doon. The mere fact na pasalin-salin lang sa mga miyembro nito ang kapangyarihan speaks so much about the residents’ trust and confidence sa nasabing pamilya.

On Vico’s part, masasabi ring markado na ang mga Sotto sa pulitika: mula kay Senator Tito na nagsimula bilang Vice Mayor sa Quezon City at sumunod sa kanyang mga yapak ang mga anak niya, one of whom — si Councilor Gian Carlo — ay makakalaban ni Coun. Roderick Paulate sa pagk-Bise Alkalde sa naturang lungsod.

Pero gaano katotoo ang balitang malakas din ang hatak ni Vico sa Pasig? Aside from being born to famous showbiz parents, higit pa sa may hitsura ang dating ni Vico na mas pinili nga lang luminya sa pulitika kesa sa showbiz.

Dahil dito’y damay pati ang noontime program na Eat Bulaga.

Isa si Bossing Vic sa mga tumitimon sa segment na “Juan For All, All For Juan” na umiikot sa mga barangay sa loob at labas ng Metro Manila. Bagama’t nasa Broadway Centrum studio lang nakatalaga si Vic (habang ang Jowapao trio at si Maine Mendoza ang mga frontliners sa remote), kabatuhan nila ito ng live spiels.

Ayon sa aming source, magagalugad ng nasabing segment kahit ang mga liblib na lugar sa buong Pilipinas, pero habang nakaupo si Eusebio sa Pasig ay hindi raw makakatuntong doon ang buong Dabarkads.

Hindi man kasi bahagi si Vico ng Eat Bulaga, ang presensiya ng ama nitong si Vic ay sapat nang engganyo para sa mga botante roon para isulong at suportahan ang una sa kanyang mayoral bid.

14

Related posts

Leave a Comment