Wala namang itinulong sa mga sinibak na Kapamilya COCO AT KIM, PUTAK LANG NANG PUTAK  

KUNG inaakala nina Coco Martin, Kim Chiu at iba pang Kapamilya talents ay makikisimpaiya ang buong Pilipinas sa kanila dahil sa pagpuputak nila mula nang isara ang Kapamilya Network noong May 5, nagkakamali sila.

Bakit kanyo tila nagba-backfire ngayon ang kanilang rants sa social media? Ito lang ang sagot: Ang laban ng ABS-CBN ay sa pagitan ng dambuhalang kumpanya at ng batas. Hindi ito issue ng press freedom o freedom of speech. Bakit ko nasabi ito? Eh, hanggang ngayon eh putak pa rin sila ng putak, ‘di ba? Pinatigil ba sila? Hindi! So, ano’ng sinasabi nilang curtailment ng freedom of speech? Ang ingay nga nila, di ba?

MAGUGUTOM DAW SILA?

Isa sa mga binanat kay Coco ay ang pagsasabi niya – with feelings and drama! – na magugutom daw ang pamilya niya dahil sa pagpapatigil ng pag-ere ng ABS-CBN.

Reaction ng netizens (kasama na ang mga dating fans niya – take note: dati) ay ganito: Weh!

Bakit weh? Eh kailan lang ay bumili siya ng Conquest Knight XV, isang armored vehicle which costs around $800,000 or more than P43 million. May nagsasabi pa nga na baka nga umabot pa ito ng P50 million. Isa lang ‘yan sa mga sasakyan niyang worth millions.

Paano magiging convincing ang ganitong drama, eh, kumikita siya ng hindi bababa sa P500,000 per taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano”. Eh ang mga middle class Pinoy nga eh nakaka-survive sa COVID-19 lockdown, siya pa kaya? Paano mangyayari ‘yun?

Tapos, kumalat pa ang video ng interview niya with Boy Abunda kung saan sinabi niyang makaka-survive siya kung mawawalan ng trabaho kinabukasan. Sinabi niya rin dito na sobra-sobra na ang kanyang kayamanan.

Tapos magdadrama na magugutom siya at ang pamilya niya? Halerrrr!!!

PATOLA KING

Bukod sa viral rants niya ngayon, pinapatulan din ngayon ni Coco ang bashers niya. Gano’n siya ka-affected. Kaya ang tawag sa kanya ng netizens at mga kasama sa panunulat sa showbiz ay Patola King. At hindi lang basta sumasagot, naghahamon pa ang Kapamilya “royalty” sa bashers niya.

Sabi niya, matagal na raw siyang nagpipigil, pero ngayong “pare-pareho na tayong walang trabaho,” eh ibang usapan na raw ito.

Sa sobrang galit ay kung anu-ano na lang ang nasasabi ng aktor. Kinuwestiyon pa ang POGO na hindi naman inalam ang rationale kung bakit ito pinabuksan. Hindi niya rin yata alam na maraming Pinoy ang nagtatrabaho dito.

Bigla tuloy naungkat ‘yung mga balitang ‘pag mainit ang ulo niya sa set, apektado ang lahat. Dati, hindi ma-imagine ng fans niya na posible ito. Ngayon, nakita na nila na pwede pala talaga!

CAMERAMAN VS COCO

Nag-viral din ang dating cameraman ng ABS-CBN na si Journalie Payonan nang sagutin nito si Coco. “Alam ko kung anong klaseng tao ka,” sabi niya sa aktor.

Binuking din ni Payonan ang unfair labor practices ng ABS-CBN. Sinagot niya ang mga pinagsasabi ni Coco. Matapos daw silang pakainin ng kumpanya, pinapirma na sila ng walking papers. At hindi lang ‘yun – nangyari ito ON CHRISTMAS DAY!

Sinabi niya rin na maraming kasama niya ang sumugod sa ABS-CBN compound looking for Coco. Iko-call daw nila yung hamon nitong suntukan.

KIM’S CLASSROOM ANALOGY

Viral din ang video clip ng sinabi ni Kim Chiu tungkol sa batas. Ito ang kanyang nakakawindang na analogy: “Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag nag-comply ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila, inayos mo ‘yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas”.

Sinabi ni Kim the day after mag-viral ang post na pati siya ay hindi maintindihan ang sinabi niya. Mukhang nasobrahan sa katol, no?

Pati tuloy ‘yung “ambush” niya, nakuwestyon ulit. Totoo raw ba ‘yun? Kasi naman eh!

FUNNY MEMES AND VIDEOS

Dahil sa mga pinagsasabi nila, nagsulputang parang kabute ang funny memes and videos na pinagtatawanan ang mga pagputak nila.

Pati ang pagkabulol ni Coco ay nadamay na. At pati ang past indie films niya kung saan may nude scenes siya o may katalik na kapwa lalaki – lahat ‘yan hinukay muli sa baul.

Ano ang lesson na mapupulot natin sa mga pangyayaring ito?

Simple lang: Less talk, less mistake. Simply put: Huwag putak nang putak!

176

Related posts

Leave a Comment