SIGA KALABOSO SA DROGA, BARIL

KALABOSO ang isang nagsisiga-sigaan sa Barangay San Miguel, Pasig City matapos mahulihan ng ilegal na droga at baril sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad noong Pebrero 22, 2025.

Ayon sa ulat na nakarating kay PCol. Villamor Tuliao, director ng Eastern Police District (EPD), mula kay PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City, kinilala ang suspek na si alyas “Jirwen,” 28-anyos.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Executive Judge Achilles Bulauitan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 154 ng Pasig City, nakumpiska mula sa suspek ang isang .38 kalibre ng baril at isang sachet ng umano’y shabu na may street value na P6,800.

Sinabi ni Tuliao, nahuli na rin ang suspek sa kahalintulad na kaso at sumailalim sa isang rehabilitation program ng pamahalaan noong 2022 ngunit bumalik sa bisyo.

Pinoproseso na ang mga kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek na nakakulong sa custodial facility ng Pasig City Police Station. (NEP CASTILLO)

29

Related posts

Leave a Comment