Sinita sa quarantine pass DRIVER/HELPER PATAY SA TRUCK

CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 57-anyos na driver/helper makaraang magulungan ng trailer truck habang sinisita sa gilid ng kalsada sa dala niyang quarantine pass sa Trece Martires City sa lalawigang ito.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Jovito Magat ng Romasanta St., Brgy. Luciano, Trece Martires City.

Hawak na ng pulisya ang driver ng isang Isuzu truck na may trailer at plate number YJO 427, na si Randy Igcasan, 39, ng Cityland Brgy. De Ocampo sa nabanggit na lungsod.
Sa ulat ni P/SSgt. Rene Bibon ng Trece Martires City Police Station, dakong alas-4:10 nitong Sabado ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Minamaneho ng suspek ang trailer turck galing sa Brgy. de Ocampo patungo sa direksiyon ng Brgy. San Agustin sa naturang lungsod nang masagasaan nito ng hulihang gulong ang biktima sa gilid ng kalsada.

Nabatid na hindi napansin ng biktima ang parating na trailer truck habang sinusuri ng isang security enforcer ang kanyang quarantine pass sa harap ng Establish Control Point ng Civil Security Unit.

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver ng trailer truck. (SIGFRED ADSUARA)

133

Related posts

Leave a Comment