INANUNSYO ng Malakanyang na inaasahan nilang darating na sa bansa sa Linggo, Pebrero 28 ang 600,000 doses na COVID-19 vaccines na donasyon ng China’s Sinovac Biotech.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kapag nangyari ito ay kaagad ikakasa ang pag-rollout ng nasabing bakuna, kinabukasan, Marso 1.
Ani Sec. Roque, mangangailangan lamang ng isang araw ang pamahalaan para maghanda sa rollout ng bakuna pagdating nito sa bansa.
Nauna rito, pinagkalooban na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang Sinovac vaccine, ito ang pangatlong vaccine manufacturer na nabigyan ng EUA kasunod ng Pfizer at AstraZeneca.
Sinabi ni FDA director general Dr. Eric Domingo na ang efficacy rate ng Sinovac ay pumapalo mula 65.3% hanggang 91.2% subalit umabot lamang sa 50.4% pagdating sa mga health worker na may COVID-19 exposure. (CHRSTIAN DALE)
136 