NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine.
Kaya pinaalalahanan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang publiko na libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta.
Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay-alam sa kanila ang anomang impormasyon na may nagbebenta ng covid vaccine.
Sinuro ni Sec. Roque na kanilang ipaaaresto ang sinomang maniningil kapalit ng bakuna dahil ito’y mahigpit na ipinagbabawal.
Tiniyak ni Sec. Roque na babagsak ito sa kasong estafa na kanilang ipupursige laban sa kaninomang magbebenta ng mga paparating ng bakuna. (CHRISTIAN DALE)
131 