Naghahanap ka ba ng bagong trabaho at oportunidad? Inaanyayahan ka ng SM Supermalls, kasama ang SM Retail, sa SM Group Exclusive Job Fair na gaganapin ngayong May 29, 2025 (Huwebes) sa Main Event Center, SM City Dasmariñas.
Ang mga job seeker ay kumakausap sa isang recruiter sa SM Labor Day Job Fair noong May 1 sa SMX Convention Center Manila.
Anumang industriya ang iyong karanasan – fashion apparel, food & beverage, bank, hardware, logistics, o anupaman—mayroong trabaho para sa lahat. Pinag-isa ng natatanging job fair na ito ang mga pinagpipitagang kumpanya mula sa SM Group upang mapadali ang pagbibigay ng pagkakataon upang magkatrabaho ang maraming Pilipino.
Hatid ng SM Group Job Fair ang iba’t ibang career opportunities para sa mga job seeker.
Ano ang maaaring asahan
Fast-Track Hiring na may On-the-Spot Job Offers. Maaaring mag-apply ang mga aplikante sa mahigit dalawampu’t limang posisyon, kabilang ang:
- Sales Associates, Store Crew, Cashiers, Merchandisers, at Personal Shoppers
- Clerks, Warehouse Staff, Human Resources (HR) Assistants, Marketing Officers, at Accounting Clerks
- Mga posisyon sa supervisory level sa Facilities, Sales, at Customer Service
- Espesyal na posisyon sa Pharmacy, Customer Relations, at iba pa
Ang Labor Day job fair na inorganize ng SM ang pumuno sa SM City Davao, na nag-uugnay sa maraming aplikante at potential employers.
Magsasagawa ng interviews ang mga recruiters na may posibilidad ng same-day hiring. Kasama rin ang mga pangunahing ahensya ng gobyerno gaya ng SSS, Pag-IBIG, at PhilHealth upang magproseso o mag-update ng mga dokumento para sa empleyo. Siguradong mapapabilis, mapapadali, at magiging komportable ang pag-aapply at pagproseso ng pagtanggap sa trabaho.
Ang job fair na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng kolaborasyon ng SM Supermalls, SM Retail, Private Sector Advisory Council (PSAC) Jobs, Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines (ECOP), at Philippine Exporters Confederation (PHILEXPORT). Sila ay nagkaisa para tulungan ang mga Pilipinong naghahanap ng makabuluhang trabaho.
Mga kumpanyang kasali
Our Home, SM Appliance Center, SM Home, Ace Hardware, Watsons, Alfamart, SM Store, SM Hypermarket, SM Supermarket, Savemore, Waltermart, Surplus, Stationery, Toy Kingdom, Pet Express, BDO Network Bank, Chinabank, National University, Goldilocks, at marami pang iba.
Hired on the spot
Proud na ipinapakita ni Jerramae Perrera ang kanyang bagong status matapos ma-hire on the spot sa SM job fair.
“Organisado po siya, mabilis ang processing. Maraming nag-a-assist. Komportable dito, masaya.”
– Ladylyn Montaez, Hired as Merchandiser, Waltermart
“Maraming salamat po sa SM, sa Department of Labor and Employment (DOLE), at sa government po sa pagbibigay ng opportunity sa aming mga nangangailangan ng trabaho. Malaking bagay po ito.”
– Asmayer Abdullah, Hired as Service Crew, The French Baker
Hindi ka makakarating sa Dasma sa May 29? May full lineup ang SM Supermalls ng mga job fairs ngayong Hunyo, kabilang ang Kalayaan Job Fairs sa June 12 sa 27 SM malls sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.
Ang iyong susunod na malaking tagumpay nagsisimula dito
Baguhan ka man, beterano na na naghahanap ng bagong hamon, o Overseas Filipino Worker (OFW) na gustong magsimula ulit—dito sa SM Job Fair, nagtatagpo ang trabaho at layunin. Dalhin lang ang iyong resume, valid IDs, at ballpen—at maghanda nang makilala ang iyong susunod na employer.
Para sa kumpletong updates, i-follow ang SM Supermalls sa Facebook o bisitahin ang www.smsupermalls.com.
