(NI FRANCIS SORIANO)
INAASAHANG magkakaroon na nang karagdagang 5,000 megawatts na suplay ng kuryente sa buong bansa sa susunod na apat na taon, ayon sa Departmnet of Energy (DOE)
Ayon kay Alfonso Cusi, Energy Secretary, magmumula ang dagdag na suplay ng kuryente sa mga inaasahang bagong coal at renewable power plants na itatayo sa mga bayan ng San Ildefonso, Bulacan nang CleanTech Global Renewables Inc. na magsusuplay ng karagdagang 30 megawatts.
Meron itong 86,400 na mga solar panels ang kasalukuyang inilalatag sa may 22.5 ektaryang lupa na kayang magsuplay ng kuryente sa mahigit 10,000 kabahayan na target matapos ang proyekto sa loob ng taong ito.
Inaasahan din itatayo ang mga solar power plant sa bayan ng San Miguel, Bulacan ng Powersource First Bulacan Solar Inc. na magsusuplay ng karagdagang 50 megawatts.
421.2 megawatts sa bayan ng San Rafael ng Solar Philippines Commercial Rooftop Projects Inc., MANRESA Power Corporation na 80 megawatts sa bayan ng San Jose Del Monte.
Aabot naman 12 megawatts sa bayan ng Bocaue ng biomass power plant ng Hypergreen Energy Corporation na gagamit nang mga ipa ng Palay na Target matapos ang proyekto sa Disyembre 2020.
Samantala, ikinagalak naman ni Cusi ang pagkakapasa sa parehong kapulungan ng Kongreso ng EVOSS o Energy Virtual One Shared System na magpapabilis sa pagpapa-apruba ng mga proyektong planta ng kuryente sa bansa.
