TILA hindi pa rin nakasasabay sa bilis ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ang kilos ng Department of Health (DOH).
Ito ang naging puna ni Senador Joel Villanueva dahil sa kawalan pa rin ng aksyon ng ahensya sa test kits na dinevelop ng University of the Philippines (UP).
“Our limited resources are fast being depleted, hospitals are overwhelmed, and frontline workers are overworked, and yet the DOH leadership continues to be two steps behind,” pahayag ni Villanueva.
Sinabi ni Villanueva na ang patuloy na pagkakaimbak ng test kits ay nangangahulugan ng panibagong mismanagement ng DOH.
“The test kits have been ready since May, and yet we continue to rely on imported test kits that costs significantly higher than the locally manufactured ones,” diin ng senador.
Kinalampag naman ni Senador Bong Go ang ahensya at pinagsabihang huwag sayangin ang oras at pagsisikap ng UP sa development ng testing kits.
“Kung nasiguro nang mabisa ito matapos dumaan sa validation, gamitin na natin ito para mapaigting pa ang kakayahan nating mag-Test, Trace and Treat,” ayon sa senador. (DANG SAMSON-GARCIA)
