HINIMOK ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na ilabas ang updated na talaan ng unused appropriations o hindi nagamit na pondo sa ikaapat na quarter noong 2019.
Sinabi ni Lacson na sa kanilang caucus bago aprubahan ang Bayanihan Act, inihayag ni Budget Secretary Wendell Avisado na nasa P600 bilyon pa ang hindi nagagastos sa 2019 budget.
“DBM should come up with the updated 2019 Q4 unused appropriations which is estimated to be somewhere around 600B, quoting Sec Avisado during our caucus last Mar 24 when I asked him about it,” saad ni Lacson.
Dapat anyang matukoy ng gobyerno kung ano sa mga programang pinaglaanan ng pondo ang maaaring ipagpaliban upang magamit ang budget para sa mga hakbangin sa COVID 19.
Kailangan anyang magkaroon ng malinaw na economic package ang gobyerno upang maiwasan ang recession sa gitna ng COVID-19 pandemic.
145
