Solon sa Maharlika-Makilala mining deal: ENVIRONMENT PLUNDER NG MARCOS JR. ADMIN

MISMONG gobyerno na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang nangunguna sa environmental plunder na magpapayaman sa kanyang mga crony dahil sa Maharlika-Makilala mining deal.

Reaksyon ito ni House assistant minority leader Arlene Brosas matapos mabuko na magpapautang ang Maharlika Investment Corporation’s (MIC) ng $76.4 million sa Makilala Mining Co. Inc., na subsidiary ng Australia’s Celsius Resources.

“This deal exposes the true face of the Maharlika Investment Fund – a vehicle for crony capitalism where public funds are used to finance projects that benefit the administration’s favored business interests at the expense of our people and environment,” ani Brosas.

Ipinaliwanag ng mambabatas na bahagi ng operasyon ng nasabing mining company ang Maalinao-Caligutan-Biyog (MCB) Copper-Gold project sa Kalinga kung saan 2,500 ektaryang lupain na pag-aari ng Balatoc Tribe sa Cordillera region ang bubungkalin.

“Ang mga katutubo ang siyang magdurusa sa mapanirang mining operation na ito. Habang yumayaman ang mga malalaking negosyante at dayuhang korporasyon, ang mga komunidad natin ang nagpapasan ng kahirapan at pagkasira ng kanilang lupang ninuno,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi ito ng mambabatas dahil pagbabayarin lamang ang Makilala Mining Co. Inc. ng P183,000 kada taon sa local government ng Pasil, Kalinga gayung 2.25 million tons ng mineral ang kukunin at planong doblehin pa ito sa mga susunod na taon.

Nakaiinsulto rin aniya ang 4% lamang na royalty at excise tax na babayaran ng nasabing kumpanya sa national government kapalit ng napakalaking kikitain ng mga ito sa sisiraing kabundukan. (PRIMITIVO MAKILING)

11

Related posts

Leave a Comment