KINUMPIRMA ng Chinese Embassy in Manila ang isinagawang deportasyon sa 100 Chinese nationals na sinasabing sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Sa ibinahaging impormasyon ng Embahada ng China, magkatuwang ang law enforcement authorities ng China at Pilipinas na ipinatapon pabalik ng China ang 100 Chinese nationals dahil sa pagkakasangkot sa POGO habang nasa bansa.
“This marks another step in the law enforcing cooperation of the two countries after the ban on POGO takes effect, showcasing the commitment of both sides in combating illegal gambling,” ayon sa inilabas na statement ng China Embassy.
Ayon pa sa pahayag, “The Chinese government is committed to cracking down on gambling and relevant crimes and always asks overseas Chinese nationals to strictly abide by local laws and regulations and not engage in any illegal and criminal activities.”
Kasabay nito, nanawagan ang China government sa pamamagitan ng kanilang embahada sa Pilipinas na tuluyang sawatain sa lalong madaling panahon ang masamang naidudulot ng offshore gambling.
Kasabay nito ang pagtiyak na “China will continue to work with the Philippines to jointly combat crimes. In the meantime, we also call on the Philippines to conduct law enforcement in a just manner and ensure the legitimate and lawful rights and interests of Chinese nationals in the Philippines.” (JESSE KABEL RUIZ)
