SONA gagastusan ng P20-M BBM ADMIN MANHID SA HIRAP NG PINOY

(BERNARD TAGUINOD)

‘INSENSITIVE’ para sa grupo ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang P20 million na gastos sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa July 22.

“This is so insensitive to the everyday struggles of Filipinos that is the main agenda of the SONA. This isn’t the MET gala. This is the Marcos brand of vlogger governance: dazzle your audience to hide the real, rotten state of the nation,” ani Renee Co, executive vice president ng Kabataan party-list.

Unang sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco sa media na gagastos ang Kongreso ng P20 million sa pagkain ng mahigit 2,000 guest sa ikatlong SONA ni Marcos na kinabibilangan ng diplomatic corps.

Agad itong binatikos ng netizens kaya naglabas ng statement si Velasco para linawin na ang P20 million ay hindi lamang sa pagkain kundi sa iba pang gastusin.

“There has been some misunderstanding about the figures mentioned, and I want to ensure that everyone has the correct information,” ani Velasco.

Ipinaliwanag niya na kabilang sa paggagamitan ng nasabing halaga ang 3 sets ng uniporme ng 2,000 Secretariat employees; security equipment, pambili ng bulaklak para sa dekorasyon; renta ng LED walls, invitation at giveaways at iba pa.

Subalit itinuturing pa rin ito ni Co na kawalan ng malasakit ng gobyerno lalo pa’t maraming Pilipino ang hindi kumakain o kapos sa pagkain dahil masyadong mataas ang presyo ng mga bilihin tulad ng bigas.

“Pwede pa sana gamitin ang 20 milyong piso para makabili ng 421,674 na kilo ng bigas. Mas maliit pa ang pondo ng School-Based Feeding Programs ng sampung rehiyon sa ilalim ng DepEd kumpara sa pondo ng SONA,” ani Co.

“Let’s touch some grass. If they want to make history with the ‘biggest SONA’, then allow the people to enter the Batasang Pambansa. Let the protesters come nearer to the gilded halls of Congress so the people’s calls and grievances can be heard and addressed,” dagdag pa nito.

164

Related posts

Leave a Comment