NIYANIG ng magnitude 7.1 earthquake ang bayan ng Palimbang sa lalawigan ng Sultan Kudarat nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naganap ang tectonic earthquake ng alas-10:13 ng umaga.
Batay sa update ng Phivolcs, natukoy ang lokasyon ng lindol eksaktong 05.75°N, 123.08°E – 133 km S 67° W ng Palimbang.
Unang iniulat na ang lindol na tumama sa Sultan Kudarat ay nasa magnitude 6.5, at may depth of focus na 651 kilometers.
Ayon sa tala ng Phivolcs na naramdaman din ang Intensity IV sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental, Intensity III sa Mati City sa Davao Oriental at Glan Sarangani.
Intensity II naman ang naramdaman sa Maragusan, Davao de Oro, Tagum City, Davao Del Norte gayundin sa Libungan at Tulunan, Cotabato at Kiamba, Maitum at Malapatan sa Sarangani kabilang pa ang Koronadal City, South Cotabato at General Santos City.
Naramdaman din ang Intensity I sa Davao City, Tantangan, South Cotabato at Lebak, Sultan Kudarat.
Niyanig din ng instrumental Intensity III ang bahagi ng Don Marcelino at Jose Abad Santos, Davao Occidental gayundin ang Glan at Malungon, Sarangani.
Instrumental Intensity II naman sa Tagum City, Davao del Norte, Digos City, Davao Del Sur, Matalam at Cotabato City.
Instrumental Intensity I rin ang yumanig sa Nabunturan, Davao de Oro, Davao City, Kidapawan City, Cotabato gayundin sa Maitum, Sarangani.
Kaparehong intensity rin ang naramdaman sa T’Boli at Tampakan, South Cotabato, gayundin sa Bagumbayan, Esperanza, Isulan, Kalamansig, Lambayong, at Lebak Sultan Kudarat ay Bislig City sa Surigao del Sur.
Samantala, inaasahan naman ang aftershocks kasunod ng naturang lindol. (JESSE KABEL RUIZ)
