Sotto umaming umiinom ng Ivermectin MGA EMPLEYADO NG SENADO, MABABAKUNAHAN NA

KINUMPIRMA ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na maging siya ay gumagamit ng Ivermectin upang makaiwas sa COVID-19.

“Ako umiinom din ako once every two weeks,” saad ni Sotto sa panayam ng DWIZ.

Inihayag ni Sotto na ang kanyang ginagamit na Ivermectin ay gawa na mismo sa Pilipinas.

“Oo preventive yun. Sa pagkakaalam ko ganun, kahit dito sa atin ganun. Meron akong mga kakilala tinamaan ng covid tumira ng tatlong araw ng Ivermectin pagdating ng pang-apat na araw tanggal na symptoms,” paliwanag pa ni Sotto.

Muli ring hinimok ni Sotto ang Department of Health na kasabay ng vaccine rollout, mas mabuting pagtuunan na rin ng atensyon ang pag-aaral sa mga posibleng gamot laban sa COVID-19.

Samantala, kinumpirma ni Sotto na posibleng ngayong buwan o sa Mayo darating na rin ang bakunang kanilang inorder para sa mga empleyado ng Senado.

“Malaki pag-asa kasi sabi ni Sec. (Carlito) Galvez pinayagan na nila kami doon sa iimport ng Senado, binibili ng Senado pinayagan na nila. Tinanong namin delivery either this month or next month tapos ang Senado nag-set up ng refrigeration ng vaccine,” diin ni Sotto.

Ipinaliwanag ng lider ng Senado na nasa 5,000 doses ang kanilang inorder dahil sa kabuuan mayroon silang mahigit 2,000 empleyado kasama na ang mga consultant. (DANG SAMSON-GARCIA)

o0o

ERAP, SA OSPITAL MAGDIRIWANG NG 84TH BDAY

KINUMPIRMA ni dating Senador Jinggoy Estrada na sa ospital pa rin magdiriwang ng ika-84 na kaarawan ang kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada sa darating na Lunes.

Sinabi ni Estrada na sa ngayon ay nilulunasan pa ng mga manggagamot ang secondary infection sa baga ng kanyang ama.

Inihayag ng dating senador na noong Biyernes ay sumugod siya sa pagamutan makaraang bumagsak sa 70/40 ang blood pressure ni Erap.

Babalik naman si Jinggoy sa pagamutan sa Lunes para magdala ng cake para sa panandaliang pagdiriwang ng kaarawan ng dating pangulo.

“Yung aking ibang kapatid kasi yung iba may comorbidity, ako na lang inatasan nila, mag-video call lang kami dala ng cake at blow ng candle simple lang,” diin ni Jinggoy.

Tiniyak naman ni Jinggoy na hindi niya pipigilan ang kanyang kapatid na si dating Senador JV Ejercito kung nais nitong bisitahin ang kanilang ama. (DANG SAMSON-GARCIA)

133

Related posts

Leave a Comment