Alay sa mga Nanay sa Mother’s Day The Four Kings and a Queen Concert sa Enchanted Kingdom

Isang concert na Alay sa mga Nanay sa pagdiriwang ng Monther’s Day sa darating na Linggo, Mayo 7, 2023 ang isasagawa sa Enchanted Kingdom (EK) sa Enchanting Events Place, Sta. Rosa, Laguna.

Sa isinagawang press conference noong nakaraang Mayo 2, 2023, nagpasalamat sina Marco Sison, Haji Alejandro at Pops na magiging bahagi sila ng Enchanted Kingdom’s Four Kings and a Queen Concert sa darating na Linggo, Mayo 7, 2023.

Bagamat hindi nakarating sina Rey Valera at Nonoy Zuniga sa isinagawang prescon ay tiniyak nilang magbibigay sila ng kasiyahan sa mga manonood sa kanilang concert.
Kasabay nito, nagpasalamat naman si Pops Fernandez na makakasama niya ang tinaguriang Four Kings o hitmakers ng golden era ng Original Pilipino Music (OPM).

Sa pagtatanong ng SAKSINGAYON kay Pops Fernandez, bilang alay sa mga nanay ang isasagawang concert nila kung may kakantahin siyang kanta para sa mga ina, ay tiniyak niya na bilang ina isa rin na karamihan ng kanyang kakantahin ay para sa Monther’s Day sa pagdiriwang sa Linggo.

Inaasahan na maririnig sa concert ang mga kanta nina Nonoy Zuniga na “Kamusta Ka”; Haji Alejandro, “Nakapagtataka”; Rey Valera, “Maging Sino Ka Man”; Marco Sison, “Si Aida, Si Lorna, o Si Fe” at ni Pops Fernandez na “Don’t Say Goodbye”.

Tiniyak ni Haji Alejandro na mas bibigyan nila ng prayoridad na kantahin ang kani-kanilang mga pinasikat na kanta nung kapanahunan nila.

Sinang-ayunan naman nila Pops Fernandez at Marco Sison, anila sa kanilang karanasan sa mga concert mas inaabangan ng manonood ang kanilang mga kanta na kung saan sila nakilala.

Anila, kaya naman nila kumanta ng mga kantang pinasikat ng mga bagong singer ngayon kaya lang mas hinahanap sa kanila ay ang kanilang mga inawit na kung saan sila nakilala.

Nagpasalamat naman ang mag-asawang may-ari ng EK na sina Mr. Mario Mamon, chairman and president ng Enchanted Kingdom at Dra. Cynthia R. Mamon, chief operating officer ng EK sa Four Kings (Haji Alejandro, Marco Sison, Rey Valera at Nonoy Zuniga)  at isang Concert Queen (Pops Fernandez) at media na dumalo sa prescon na magiging bahagi ng kanilang promotional campaign.

Sinabi pa ni Misis Mamon ang tinaguriang Four Kings at concert Queen ay minsan nagpakilig ang mga kanta nito sa kanilang kabataang mag-asawa.

Para sa karagdagang impormasyon at kung paano makabibili ng tickets sa EK Online, Enchanted Kingdom’s Makati Sales Office and Front Gate ticket booths.

Ang ticket prices para sa VVIP ay P5,000; VIP P3,750; at General Adminission na P2,000.

At para naman dun sa gustong mag-enjoy sa concert at admission sa park ang ticket prices ay VVIP P5,700; VIP 4,450; at General Admisssion na P2,700.

Maaari rin bisitahin ang http://www.enchantedkingdom.ph or contact Enchanted Kingdom’s Magical Guest Relations Office sa 09088861276, (+632) 858433535, or (+85844326 to 29 or send an email to mgrd@enchantedkingdom.ph. Stay tuned sa enchantedkingdom.ph at Facebook:enchantedkingdom.ph para sa karagdagang updates at details sa The Four Kings and a Queen.(Joel O. Amongo)

 

 

 

240

Related posts

Leave a Comment