P1.3-M SHABU NASABAT NG PDEA

TINATAYANG 200 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P1,380,000, ang nasabat mula sa tatlong drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng mga ahente ng PDEA Central Luzon nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Isinagawa ang operasyon sa isang gasolinahan sa Brgy. Pag-Ibig sa Nayon, Quezon City.

Batay sa report ng PDEA team leader kay Director General Moro Vergilio Lazo, kinilala ang naarestong mga suspek na sina Mark Ryan Absalon Raymundo, 39; Nestor Yabut Alabado, 40, at Heron San Antonio Bigalan, 30-anyos.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang limang sachet na naglalaman ng 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,380,000, at ang marked money na ginamit ng undercover agent sa operasyon.

Kasong paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang haharapin ng mga suspek. (JESSE KABEL RUIZ)

103

Related posts

Leave a Comment